[ 4 ] Enjoy

59.5K 804 43
                                    

Chapter 4: Enjoy

"KL, gising na."

"Ayoko pang gumising," nakapikit na sagot ni KL.

May humila kay KL para mapaupo siya kaya idinilat niya ang isang mata niya at nakita si Dwayne sa harap niya.

"Bangon na."

"Ang sakit ng ulo ko. Gusto ko pang matulog."

Humiga ulit si KL at nagtakip ng unan.

"Come on, KL. Wake up! Tanghali na."

"Ayoko pa. Iwan mo na muna ako dito. Matutulog pa ako. Bigyan mo ako ng isa pang oras."

Nagulat si KL nang bigla siyang buhatin ni Dwayne.

"Dwayne, ibaba mo ako!" sigaw ni KL.

"Ayoko din."

Binuhat siya ni Dwayne papunta sa sala at doon siya ibinaba. Nasa sala sina Jichelle at Spencer noon at nag-uusap.

"Ang sweet niyo naman! Bagay kayong dalawa," nakangiting sinabi ni Jichelle.

Nginitian lang ni KL si Jichelle at madali siyang bumalik sa kwarto at sinundan siya ni Dwayne.

"Pwede mo na akong iwan dito. ‘Wag kang mag-alala, hindi na ako babalik sa kama. Maliligo lang ako at lalabas din ako kaagad."

"Hihintayin kita dito."

"Wag na."

"Fine."

Lumabas na doon si Dwayne. Agad niyang iniligpit ang pinaghigaan niya at saka siya pumasok sa CR para gawin ang mga kailangan niyang gawin doon. Pagtingin niya sa oras, 1 na ng hapon.

‘Ang haba pala ng tulog ko. Masyado yatang marami ang nainom ko kagabi kaya napasarap ang tulog ko.’

Paglabas niya sa kwarto ay nakita niya sa sala sina Jichelle at Spencer na kumakain. Nandoon din si Dwayne na kanina pa siya hinihintay.

"Kumain ka na, KL. Pati na rin ikaw, Dwayne," sabi ni Jichelle sa dalawa.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong ni KL kay Dwayne.

"Hindi pa. Hinihintay kita, e."

"Baliw ka ba?!"

"No, not at all."

"Kumain na nga tayo."

Kumuha sila ng makakain at sumabay kina Spencer sa pagkain.

"Ang sweet niyong dalawa. Puro couples pa naman ang nandito. Hindi na ako magtataka kung magkakadevelopan kayong dalawa. What do you think, Spencer?"

Naubo si Spencer sa sinabi ni Jichelle. Agad na inabutan ni KL ng tubig si Spencer pero inabutan din siya ng tubig ni Jichelle kaya ininom na lang ni KL ang tubig sa baso.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon