KABANATA XI: His Pain

15.1K 138 21
                                    

Stop hating Third, guys. He has his own reasons… oh come on bwahahaha!!!

Ayan, basahin ang apela ni Third sa cover photo, nagdadrama ehh, bigyan nyo ngang piso :P

__________________

KABANATA XI: His Pain

 

Point of View:

-THIRD DE SAAVEDRA-

"Annika, please, pick up the phone."

Kanina pa ako tawag nang tawag kay Annika. Siguro galit pa rin sya sa'kin dahil sa nasabi ko kagabi. Pero hindi ko naman yun sinasadya eh. Nabigla lang talaga 'ko sa nasabi ko. That's why I want to make it up to her. Ayokong lumipas ang araw na ito na hindi pa rin kami nagkakaayos.

Naubos na ang ring pero hindi nasagot ang tawag. Huminto ako sa paglakad-lakad sa harap ng mesa ko as I compose another message. Sana lang hindi sya mairita sa kakulitan ko. I don't want my gestures to annoy her. Ang gusto ko lang maging okay na kami. I just can't afford to lose my future wife.

"Annika I'm really sorry about what I said last night. Please forgive me. I love you."

Message sent.

Sana basahin nya ang messages ko. Sana kausapin nya na 'ko. Gusto kong magkaayos na kami. And I'm more than willing to do everything to have her forgiveness. Lahat. As in lahat.

Lalo na ngayong alam kong hindi lang ako. I know she's having an affair with someone else – with her ex named Seven Astute.

Nung una ayokong maniwalang nakikipagrelasyon si Annika sa iba. May nagpapadala lang kasi ng mga pictures nila na magkasama. And I was like, 'e ano kung nagkikita sila? E ano kung magkasama sila? May relasyon na ba agad pag ganun?' I trust Annika. I want to prove myself that she's loyal to me so I hired a private investigator but all I got was the bloody truth.

Ayon pa sa private investigator, may asawa na si Seven at alam yon ni Annika pero nagagawa nya pa ring makipagrelasyon dito. And that's what I don't understand. Does she really love him that much? I can't help but feel insecure. And envious.

Ang tanga ko lang 'no? Ako na yung ginagago pero ako pa yung sumusuyo. Mahal ko eh.

Susubukan ko sanang tawagan ulit si Annika nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ko.

"Janice, di ba sinabi ko nang ayoko ng—"

"Istorbo?" napaharap ako sa pamilyar na boses na tumapos ng sinasabi ko. "Pinauwi ko na muna yung secretary mo para walang istorbo." She had that nasty smile written across her face.

"Francine?"

This is what you call synchronicity. I'm talking about an ex and another ex  showed up. What the?

"Kamusta na?" she walked towards me.

"What brought you here?" hinabol ko ng tingin ang pupuntahan nya. Nilagpasan nya kasi ako at naupo sa office chair ko.

"Gusto ko lang mangamusta. Kamusta ka na ba? Kamusta na kayo ng fiancee mong… manloloko?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. What does she know?

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Ows?" tumayo sya't nilapitan ako. She sat on top of my desk, now we're face to face. "Hindi mo ba nare-receive yung mga ebidensya sa sinasabi ko? O talagang nagbubulag-bulagan ka lang? Third, niloloko ka ng girlfriend mo. She. Is. Cheating. On. The. Poor. You," she stated firmly but very slowly, emphasizing each word on her last sentence.

We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)Where stories live. Discover now