KABANATA III: Uninvited Guest

22.6K 246 29
                                    

"Nikks, where are you going? Malapit na magsimula." Sabi sa'kin ni Third nang makita nya akong naglalakad pabalik sa hotel.

Nasa seashore kami, dito sa resort nila sa Subic, engagement party namin tonight. It's been three days since magpropose sya sa'kin.

"Sumakit kasi ulo ko bigla eh."

"Ha? Bakit, anything wrong?" agad akong nilapitan ni Third saka kinapa ang noo at pisngi ko.

"Hindi, okay lang naman ako. Baka nahilo lang ako sa biyahe, kukuha lang ako ng gamot sa kwarto ko. Babalik din ako agad."

"Sure ka? Gusto mo ako na lang?"

"Hindi, wag na. Kaya ko naman. Ako na lang."

"Samahan na lang kita."

"Wag na. Okay lang ako." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Third, binigyan ko na lang sya ng smack sa lips para mag-freeze sya sa aking magical kiss bwahahahaha tapos ay agad akong tumakbo pabalik sa hotel. Nakakaloka lang kasi 'tong si Third, masyado akong bini-baby.

Nasa dulo ng hallway sa second floor yung kwarto ko. Nagmamadali talaga ako pero binagalan ko ang paglalakad at nakiramdam. Kanina ko pa kasi nararamdaman na parang may sumusunod sa'kin.

Pero nang lumingon ako sa likod ko, wala namang tao. Haay, guni-guni ko lang siguro.

Pumasok ako sa malaki kong kwarto na may malaking pader na naghahati sa parang receiving area at sa mismong kwarto. Nakasandal sa pader ang aparador na pinaglalagyan ng gamit ko.

Pagkapasok ng kwarto, nagdiretso agad ako sa mismong bedroom since andun yung mga gamit ko.

Hinalungkat ko yung bag ko for my tiny medicine kit. Kumuha lang ako ng softdrinks sa mini ref para panulak sa gamot nang bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto, tapos sumara ulit. Tapos may narinig akong mga yabag ng paa na palapit.

"Sino yan?" tumayo na 'ko para salubungin ang taong pumasok sa kwarto nang makita ko syang nakatayo na sa daraanan ko.

"Seven? Anong ginagawa mo rito?"

Lumapit sya sa'kin, napaatras ako hanggang sa napaupo na lang ako pabalik sa kama.

"Annika. Wag mong gawin 'to."

"Ano?!" tanong ko na nakataas ang kilay.

Nakayuko syang umiling-iling bago binalik ang tingin sa'kin at sumagot. "Mahal kita."

Huminto ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi nya.

Ano daw?

Mahal nya 'ko? Imposible.

Tumayo ako. "Ano bang sinasabi mo? Nababaliw ka na ba?"

"Oo Annika, nababaliw na 'ko!" sigaw nya saka lumapit sa'kin para hawakan ako sa parehong braso. "Annika, hindi mo sya dapat pakasalan. Kasi mahal kita. Wag mong gawin 'to."

"Sandali, sandali!" binawi ko ang mga braso ko mula sa kanya. "Seven… ano bang sinasabi mo? Sabog ka ba?"

Wala na akong ibang maisip na rason para gawin ito ni Seven sakali mang hindi isang ilusyon ang Seven Astute sa harap ko. Sampung taon na rin kaming hiwalay at ni minsan sa sampung taong iyon, hindi sya nagparamdam na gusto nyang makipagbalikan or what kaya ano 'tong kalokohang 'to?

"Seryoso ako. Mahal kita." I saw sincerity in his eyes.

Napanganga na lang ako sa pagkamangha. Joke time ba 'to?

We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon