KABANATA VIII: Sweet Surrender

17.4K 161 20
                                    

Narealize kong masyado na palang humahaba ang istoryang ito sa aking utak.

Ang totoo ay maari itong umabot ng hanggang 30 chapters pero OA naman yun para sa isang fanfic (23 parts nga lang yung IMAJWNIS ehh)

Napansin ko ring hindi naman talaga kahabaan ang mga nagdaang chapters, tamad lang ako…

Kaya eto, hinabaan ko na ng onti… wag sana kayong antukin sa pagbabasa lololololol

Enjoy reading ^________^

-----------------------------------

Point of View

-ANNIKA MARIE REYES-

"Gustuhin nya man, hindi nya rin kasi magawang sabihin sa'yo ang totoo. Siguro dahil masyado syang confident sa pagmamahal mo kaya iniisip nyang hindi ka papayag na isakripisyo nya ang sarili nya pag nalaman mo ang totoo."

Nakatanga lang ako habang nakikinig sa kwento ni Yuri. Bumalik kami sa office ko since napilit ko rin syang aminin sa'kin ang nalalaman nya.

"Annika, mahal na mahal ka nya."

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Naihilamos ko ang dalawa kong palad sa buo kong mukha. Hindi ako makapaniwala. Isinakripisyo nya ang sarili nya para sa kapakanan ko.

"Yuri bakit? Bakit ngayon ko lang nalaman 'to? Bakit?"

"Annika, I promised him. Nangako akong wala akong sasabihin sa'yo kasi kung merong taong dapat magsabi sa'yo ng totoo, sya yun. Pero… pero hindi ko na kaya eh. Kasi alam kong nasasaktan ka na ng husto. Annika I'm sorry."

"Yuri, bakit? Mahal na mahal ko si Seven eh!"

"I know. Pero noon pa yun eh. Di ba naka-move on ka na sa kanya?"

"NO!" I screamed, banging my desk, my tears kept flowing. Umawas ang laman ng mga tasa naming hindi man lang namin nagalaw sa init ng usapan. "Naka-move on? Akala ko rin eh. Pero akala ko lang yon.

"Noong mga panahong sinabi kong hindi ko na sya mahal, ang totoo pakitang tao ko lang yon sa iba, pero alam mo ang totoo dahil best friend kita. Kaya nga hindi ko magawang tumanggap ng manliligaw dati di ba? Kasi somewhere inside me umaasa pa rin akong babalikan ako ni Seven one day. Bago si Third, alam mong wala akong ibang sinagot. Eight years, Yuri. Eight years. Akala ko totally moved on na 'ko sa kanya nung hindi na 'ko nasasaktan. Nung kinasal si Seven, naging masaya ako para sa kanya. Kasi nakita kong masaya sya eh. Akala ko sign yun na hindi na 'ko bitter. Akala ko sign yun na talagang walang-wala na 'kong nararamdaman para sa kanya. Pero yun pala… yun pala naging masaya lang ako kasi mahal na mahal ko sya. Naging masaya lang ako kasi akala ko masaya sya. Yuri, dahil sa kanya, natutunan ko yung tinatawag na… selfless love." Masakit, pero nakuha ko pang ngumiti. Nababaliw na ata ako.

"Natutunan kong magsakripisyo para sa kaligayahan nya. Tinanggap ko ang lahat. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, hindi ko na inisip ang sarili ko. I denied myself and my feelings. Yun lang makita ko syang masaya, naging masaya na rin ako. Nagpakamartir ako. God, ang tagal kong niloko yung sarili ko. Pero ngayon, hindi na. Hindi ko na kaya. Ayoko na. Mahal ko si Seven. Mahal na mahal ko pa rin sya."

"Pero huli ka na, Annika."

"Hindi Yuri." Tinignan ko sya saka marahas na pinahid ang sarili kong luha. "Hindi pa huli ang lahat. Nagsisimula pa lang kami ni Seven."

"Annika?"

"Makikipagbalikan ako sa kanya."

"No! You can't possibly do that. Pa'no si Third? Engaged na kayo."

We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon