KABANATA V: He's Back

18.9K 202 17
                                    

"I said leave!" nakayukong sigaw ko sabay turo sa direksyon ng pinto. Pero hindi man lang sya gumalaw.

Binagsak ko ang sarili ko pabalik sa kinauupuan ko kanina saka sinubsob ang mukha ko sa pareho kong palad. "Seven, bakit mo ba ginagawa 'to?"

"Dahil mahal kita."

"You're not saying that."

"Yes I am. Mahal kita at alam kong mahal mo pa rin ako."

"Stop it!" napatayo na naman ako. "Hindi na kita mahal!" Matigas na sabi ko. Yun naman ang totoo eh. Kay Third na ang puso ko.

Pero bakit ganon? Bakit matapos kong sabihin yon, may naramdaman akong sakit?

"Mahal kita at mahal mo 'ko. Alam natin yang pareho."

"NO. Hindi totoo yan. Mahal ko si Third. Sya lang." I told him but I was rather convincing myself.

"Then what about the kiss?"

Natigilan ako. Humakbang sya palapit sa'kin.

Napalingon ako sa ibang direksyon. "Sinabi ko na sa'yo, isang malaking pagkakamali lang yon."

"You can lie to everyone else, even to me. But never to yourself." That hit me. "Alam mo sa sarili mong nagsisinungaling ka."

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang isasagot. I swallowed hard. "Yun ang totoo. Nagkamali lang ako nung hinalikan din kita." Believing my own excuse was harder.

"Talaga? So ano pa bang pwede kong gawin para magkamali ka ulit?" dahan-dahang umakyat ang isa nyang kamay sa braso ko. "Bakit ka nga pala nagkamaling halikan ako? Natukso ka ba? Nasarapan ka?" hinaplos ng likod ng palad nya ang pisngi ko. Umiwas ako pero hinawakan nya 'ko sa baba para maiharap sa kanya. Kasabay niyon ang unti-unting paglapit na naman ng mukha nya sa mukha ko at ang mga katagang, "Bakit Annika, mas masarap ba akong humalik kesa—"

Hindi naituloy ni Seven ang sasabihin nya nang sampalin ko sya.

Ilang segundo ng katahimikan; nananatiling nakahilig ang mukha nya sa kanan dahil sa sampal ko.

I've heard enough, Seven. You don't love me. If you do, you won't do this. You won't insult me. You won't hurt me.

You won't break me over and over again. ;(

"Sige. Magiging hipokrito lang ako kung ide-deny ko yung nangyari. Pero tanga na lang ako para bumalik pa sa'yo. Yung naramdaman ko? Hindi yon pagmamahal. It was just lust. But if given another chance, I won't kiss you back."

"Talaga?" kita ko ang pagkaasar sa mukha nya.

"Talaga."

Hindi sya sumagot… ng pasalita. Pero pisikal, oo.

He cupped my face and tried to forcefully kiss me. Sinubukan ko syang itulak pero niyakap nya ako ng mahigpit habang yung isa nya pang kamay, nakahawak sa ulo ko para hindi ako makaiwas.

Hindi ko alam kung ginawa nya yon para malaman ang totoo mula mismo sa'kin o para ipa-realize sa'kin ang bagay na pinaniniwalaan nya – isang katotohanang hindi ko magawang tanggapin.

We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon