CHAPTER 9: I Accept

47 2 0
                                    

Honey's POV:

Hindi pumayag si Ace sa gusto ko. Kahit ilang beses kong inexplain ang mga plano ko. Nakakainis naman 'yun. Akala ko maiintindihan ako. Hay nako!

Kinuha ko ung buko salad na nakalagay sa freezer at pumunta sa sala. Nasa apartment ako ni Tricia. Binuksan ko ang TV sa isang cooking show. Masarap yung mga niluluto sa show. Spare Ribs Marinated with Pineapple side with Buttered Veggies. Pangalan palang, nakakagutom na. Pinanuod ko habang nagma-marinate yung lalaking chef.

"Hey!" singit ng isang boses galing sa likuran ko. Si Anne at Tricia pala. Kadarating lang. Umupo si Anne sa tabi ko. Wednesday ngayon, pero walang pasok. End of Ramadan. Kiniss ako sa cheeks ni Anne.

"So? How was the plan?" sabi ni Anne. Umupo sa tabi ko si Tricia. Tiningnan ko sila pareho. Tapos umiling.

"Wala e. Ayaw pumayag ni Ace." Pinagpatuloy ko ang pagkain ko ng buko salad. Patuloy akong nanuod ng cooking show.

"Mali naman kasi Trish e. Mali na magpanggap si Ace para lang ipamukha kay Lloyd na naka-move on na si Honey..." sabi ni Anne sabay yakap sakin.

"Eh ayaw nga tigilan si Honey eh. Alam natin kung gano kapursigido 'yang si Lloyd. 'Di nako papayag na masaktan si Honey ulit." Natouch naman ako kay Tricia. Pero tama si Anne. Hindi ko dapat gawin yun. Mali na magpanggap si Ace na boyfriend ko para lang isampal sampal sa mukha ni Lloyd na "I've moved on" kahit hindi pa talaga.

"Kung gusto niya ipakita kay Lloyd na naka-move on na siya, madami pang paraan. Huwag na lang magpaapekto at mafall kay Lloyd ulit. Tsaka as if naman babalikan pa siya ni Honey diba? After ng ginawa niya. I doubt. 'Diba Honey?" Tiningnan ako ni Tricia at Anne. Ngumiti ako. Pero may kung anong kirot ang naramdaman ko sa dibdib ko.

Ano ba ito? Tumayo ako sa kinauupuan ko. Nagexcuse nalang ako kay Tricia at Anne. Sabi ko maglalakad lakad na lang ako.

Lumabas ako ng apartment para makapag-isip isip. Siguro magsosorry na lang ako kay Ace kung makita ko siya. Ang pangit naman ng dare ko. Aminado naman ako ng mali ako dun. Nakatatlong kanto na din ako nang maisipan ko nang bumalik sa apartment upang kunin ang gamit ko at umuwi na lang. Tomorrow I'll arrange my thoughts. Aayusin ko na sasabihin ko kay Ace. Peste. Magsosorry lang ako ah. Pero bakit ganto? Ayokong magkamali sa sasabihin ko. Siguro ayoko lang maasar niya kung sakaling may mali akong sabihin. Ewan. Siguro yun nga ang dahilan.

Akma ko nang bubuksan ang pinto nang bumukas ito at si Ace ang nagbukas.

O.O

"Ace..."

Nakatingin lang siya sakin. Para ngang nagulat pa e. Ay ewan. Basta. Parang nagulat siya kasi nakita niya ko.

"Honey. Sama ka sakin." Hinila niya ko palabas ng gate ng apartment at pinasakay sa kotse niya.

Walang naimik samin sa loob ng 15minutes. Tinigil niya sa tapat ng isang coffee shop ang kotse. Bumaba siya. Ako, nakaupo at tahimik lang. Bunuksan niya ang pinto sa side ko. "Baba." At automatic na bumaba ako pagbukas niya ng pinto.

Umuulan na. Pumasok siya sa loob ng coffee shop, at ako naman, sumunod lang. Hinatid niya ko sa isang bakanteng table na may dalawang upuan. "Espresso o frappe?" tanong sakin ni Ace. Medyo nilalamig ako kasi nakashorts lang ako sa pangbaba, sweater naman sa pangtaas.

"Espresso. Less sugar. Thank you."

Tumango siya at pumunta sa counter. Medyo mahaba ang pila. Nako nako! Magsosorry na ba ako? Anong sasabihin ko? Malamang SORRY ano po? I mean, anong magandang sabihin? Kailangan ba paawa effect pa ko o medyo pagalit kasi hindi niya ko pinagbigyan sa gusto ko? Bopols ko talaga. Bakit pagalit, eh magsosorry nga ako? >< Ah, alam ko na. Sasabihin ko na lang na kalimutan 'yung sinabi ko at wag nang ipaalala pa sa kahit na sino ang dare na iyon. Titigilan ko na siya at hindi na kukulitin. Tapos, sorry. Ayan! Tama! Yan na nga.

Honey, Be MineWhere stories live. Discover now