CHAPTER 16: Leave Me Here

17 0 0
                                    

Honey's POV:
14 papers.

Sabi sa 14th paper, Philippians 4:13. I can do anything through Christ that streghthens me.

Ang banal din pala ng mga papel na ito. 14th paper ko na. At naaliw na ko ng slight sa mga papel na ito. May nakuha na akong papel na nakalagay ay, "Kain sa tamang oras", " Smile beautiful", "You are loved", " Wag kang tamad," at madami pang iba. Kung iisipin, parang si Ace ang nagsulat ng lahat. Pero hindi naman lingid sa aking kaalaman na hindi talaga sa kanya original na galing ang message bottle. I like calling it that, message bottle. Kinuha ko ang phone ko para i-text si Ace.

To: AaaCE.

Goodmorning Ace! Philippians 4:13 ❤

Tapos sinend ko. Inilagay ko sa box ko yung paper. Oo, same box na binigay niya sa akin 2 weeks ago. Same box na naglaman ng goodies for my aching puson. I kept the box to fill memories with. Sa ngayon, naglalaman ito ng 5 DVDs, isang made up golden ticket for an ice cream na siya mismo ang gumawa, isang sticky note na may number ng fast food chains at pizza parlor, isang unicorn na bookmark, isang letter, at 14 pieces of paper rolled into small pieces para magkasya sa maliit na bote. These are memories of Ace and I. Memories I would keep for a long time.

*bzzz bzzzzz*

From: AaaCE

Good morning sweet Princess. Why up so early? Did you sleep well? I just woke up. Seeing it's you who remembers me first this morning makes me smile :) sige na. Bangon na Honey. Magbreakfast kana. Wag na matigas ulo. I'll see you later, okay?

Napangiti ako ng sukdulan sa text ni Ace. Oo, ganun talaga ang pangalan niya sa phone ko. Siya nagpalit kasi gusto daw niya, una siya sa pangalan sa contacts ko. Ahihih (ang landi ng tawa ko).

Well, GOOD MORNING INDEED! HELLO MONDAY! ❤ So maganda ang pasok ng week ko huh? Teka teka. Kwento muna ko ng very light.

2 weeks ago, inalagaan talaga ako ni Ace. Like... Inalagaan talaga niya ko nung may dalaw ako. Lahat ng gusto ko, kahit hindi ko naman sinasabing gusto ko, binibigay niya. Lagi ko siyang kasama, well... Liban na lang kung may classes at madami talaga kaming ginagawa (HELLO! FINALS NA NO?). Pero pag-uwian, pag-breaktime, pag-lunch, pag-may oras na libre kaming dalawa, magkasama kami. Well, for 2 weeks lang 'yan. Kasi hindi ko alam kung magkikita kami ngayon. May inaasikaso kasi silang presentation para sa isang major subject. At kami naman, inaasikaso ang playfest. Wala lang naman ako 'dun eh. Taga-asikaso lang ng costumes ng aming bida. WARDROBE DEPARTMENT talaga. Pero okay na din.

Kasalukuyang nagtotoothbrush na ako nang biglang may kumatok sa CR at sabay tawag sa pangalan ko.

"HONEEEEEEEEEY!"

Sa lakas ng boses nun, malamang si Kris 'yun.

"Shan-dale!" sigaw ko pabalik. Nagmumog ako at ipinunas sa towel ang fresh kong bibig. Nagmadali akong lumabas at nandun si Tricia, Kris, May, at Anne. Nakashorts pa ako, sando at halatang kakabangon pa lang sa kama.

"Goooooooooood morniiiiiiiing Honeeeeeey!" chorus nilang sagot. Yung tono nila parang Grade 1 na bumati sa teacher ng good morning.

Napatingin na lang ako sa kanila na parang naweirdohan (teka. May bago ba sa kaweirdohan nila? :D) "Good morning din naman." Bati ko habang nakatingin sa kanila. "Anong ginanawa niyo dito?" Sempre wala pa sa wisyo ang lolab nyo diba?

"Urg... Masama bang bisitahin ka?" Nagcross-arm si Kris at umupo sa sofa.

"Masama bang malaman kung kumusta ka na?" Nag-pout si May.

"Masama bang hangarin na makasabay ka sa paglalakad papuntang school?" Nakakunot ang noo ni Anne.

"In short, miss ka na namin." Lumapit si Tricia at niyakap ako.

Honey, Be MineМесто, где живут истории. Откройте их для себя