CHAPTER 4: I'm Dreaming of You Tonight

120 3 0
  • Dedicated kay Hannah Salvador
                                    

Honey's POV:

"Dito na bahay namin..." sabi ko kay Ace. Hininto niya yung motor sa tapat mismo ng gate. Galing ah. Parang alam ang amin. Bumaba na ako. "Thank you..." sabi ko.

Pinatay niya yung motor niya at ako binubuksan yung gate.

"Wait bird --- err, Honey..."

Binalingan ko siya ng tingin. Nakababa na siya sa motor niya at ako naman eh pipihitin na lang yung trangka ng gate.

"Bakit?" narinig ko naman yung dapat niyang sasabihin eh. Bird brain. Eh kaso nga lang, wala na ko sa mood makipagasaran. Hobby na niyang asarin ako eh. Mag-oone month na nung nakilala ko siya sa apartment ni Trish, at ever since, nag-aasaran na kami. Alam mo yung feeling na ultimo kakaen ka na lang, eh mang-aasar pa. One time nga, sa apartment...

*flashback

(Tricia's Apartment)

"Anong ulam?!" sigaw ko pagpasok ng apartment. Dali dali akong nag-alis ng bag at nagtsinelas. Sabado nun. Nag-usap usap lang kami na maglulunch sa apartment at magmovie marathon doon. Wala lang, hobby na eh.

"Sempre! Ang walang kamatayang fried chicken." sigaw ni Anne sa loob ng kusina. Siya ang head chef namin eh.

"Bought you Coke!" pumasok ako sa kusina at inilapag yung tatlong 1.5 liter na bote ng Coke sa mesa. "Nasan sila?"

"Uhm, si May at Kris nasa mall. Nabili ng DVD," kinuha ni Anne yung plato. "Si Tricia at Ace, naggogrocery ng pangmeryenda natin."

Si Ace? So...

"Wait... Kasama si Ace sa panunuod?" ako, medyo asar.

"Oo... Siya nga nag-insist na magmovie marathon ngayon. Tutal, tapos na ang prelims." tuloy sa pagpiprito si Anne.

Umupo ako sa bakanteng upuan. "Uwi na ako..."

"Bakit naman?"

Sina Trish at Ace, nakabalik na galing sa grocery store.

"Bakit naman?" tanong ulit ni Trish.

"Obvious ba Trish?" isinuot ni Anne yung salamin niya. "Ayaw niya makasama si Ace..." at kinuha ang mga prinitong manok. Lumabas sa kusina at sinundan naman siya ni Tricia. Okayy! Cue ko na. Tumayo ako at aalis na pero...

.

.

.

"Honey, don't go." sabi ni Ace. Hawak niya yung wrist ko. Nakatingin siya sakin.

*dub dub dub dub

"And why?!" inalis ko sa pagkakahawak niya yung wrist ko.

"Because I have a gift for you..." Mokong! Ano?!

"Surprise? Birthday ko ba? Pasko? Ohmy! MAMAMATAY ka na?!" sunod sunod kong sabi.

Nagcurve yung lips niya with a smile. "No Honey... Seriously, I do have a gift for you."

Echuserang froglet itey! Gift daw?! Pweeeee. "Ano?! Para matapos na 'tong usapan na 'toh!" sabi ko sa kaniya.

Lumayo siya sakin papunta sa paper bag na dala niya. Naglabas siya ng isa pang bag. "Oh..." abot niya sakin.

Honey, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon