CHAPTER 3: She's in Trouble

161 5 2
  • Dedicated kay Kristal Amar de Castro
                                    

Ace's POV:

BROOOOM!

Isa pa!

BROOOOOM!

Isa pa!

BROOOOOOM! BROOOOOOOM!

YES! Sa wakas, nagawa ko din! Wooooooh! Isinuot ko ang helmet ko at sumakay sa motor. Pinaharurot ko ang bago kong motor para naman exciting. Adrelenin rush ang kailangan ko.

Wooooooh! Ang saya nito! Mabilis kong pinatakbo ang motor ko sa highway. Ang sarap ng ganto, maluwag ang kalsada. Parang akin ang lahat. Yeaaaaah! At dahil gabi na nga, wala din namang gaanong sasakyan at tao "WOOOOOOOAH!" sigaw ko! This is life.

Pinatakbo ko pa ng mabilis ang motor ko. Kung saan saan lumiko at sandaling huminto. Hanggang sa hindi ko na alam kung nasan ako. Gusto ko maexplore ang lugar na titirahan ko ng pansamantala. Mga 1 year lang siguro.

Ay, siya nga pala. Bago ko makalimutan, magpapakilala muna ako. Bryan Axcel Angelo Chua, ang poging pinsan ni Tricia. Call me Ace. Huwag na kayong aangal. Eh sa pogi talaga ako eh. Lumaki ako sa US, pero straight mag-Filipino. Sa bahay kasi, yun ang rule. Speak Filipino inside the house. Well, maliban na lang kung may bisita. We were raised by our parents na parang isang Pilipino. Nagmamano pagdating ng bahay at pagaalis, kumakain ng nakakamay, gumagamit ng PO at OPO, rumirespeto sa mas nakakatanda. Baduy ba? No! Cool nga eh. Ang cool kaya maging Pinoy. Mayaman kami. HAHA! Yabang noh?! Pero seryoso, we're rich. One of the elites at US. My dad is the President of a prestigous company at kumikita ng higit pa sa kailangan namin. My mom is an interior designer. Nagdedesign siya sa ng buildings, houses, and more. And yes, we're living a life of luxury. Sunod sa luho? Tama ba ako? Yah, sunod sa luho. Pero never naging spoiled. Truth be told, excited akong pumunta dito sa Pinas. 2nd time ko pa lang kaya sinusulit ko na. Baka kasi hindi na maulit. At hanggang nandito ako, lulubus lubusin ko na. So, back to the story.

Hindi ko na alam kung nasan ako. Mukhang medyo liblib na 'tong nalikuan ko. Sige lang, enjoy the ride. Lusot kahit saan. At sa huling liko ko...

"KUYAAAAA!"

.

.

.

.

.

.

.

Napahinto ako. Isang babae ang humarang sa dadaanan ko. Takot na takot at bakas sa kaniya na medyo malayo na ang naitakbo niya. Bumaba ako sa motor at nilapitan siya.

Teka...

O.O

O.O

O.O

Si Honey 'toh!

"Honey? Anong nangyare sayo?" tanong ko habang nakahawak para alalayan siya.

"Ace? Ace... Ace... " putol putol at medyo naghahabol ng hininga niyang sabi. "May humahabol sakin... Ace... Tulungan mo ako... May..." 

"HOY missh!" sigaw ng isang lalaki. Mukhang nakainom.

"Missh beyutipul! Wag kah naman matakot shamen. Gushto lang naman ng kaibigan kong makipagushap shayo. Hekhek!" sabi nung kasama niya.

Nanginginig na pumunta sa likod ko si Honey. "Sila ba yung nahabol sayo?" kalma kong tanong. Tumango lang siya. "Hay... Dyan ka lang." sabi ko. Nilapitan ko yung dalawa. Si Honey naman, pumunta sa likod ng motor ko.

"Mga brad... Hinay hinay lang. Natatakot yung babae oh."

"Hoy ulupong ka! Ikaw... Huwag kang makielam ditow. Hindi ikaw ang kaushap namen. Si mishs beyutipul seksi legs..." sinubukan nung isa lapitan si Honey. Hinawakan ko siya sa braso.

Honey, Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon