Chapt. 05

624K 4.6K 215
                                    

Nandito kami ngayon sa Home Ec. Kitchen and guess what, si Byran yung prof namin! Ayie!

"Goodmorning class." bati niya sa amin at ang mga malalandi kong classmate kinikilig sa kanya. Tsk! Kung alam lang nila. Hahaha!

"Ang niya noh?"

"Oo nga eh, sarap pag nasaan girl!"

Tss. Pag nasaan nila mukha nila! Akin lang si Bryan baka gusto nila ingudngod ko mukha nila sa flour nang malaman nila kung sino talaga yung masarap pag nasaan.

"Okay class. Nakuha niyo ba yung tamang mixture?" tanung niya sa amin.

"Sir! Ako hindi. Please teach me nga po oh." pag papacute ni Paula kay Bryan. At eto naman nagpunta kay Paula.

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paanu nilalandi ni Paula si Bryan. Tss. Dinidikit niya pa talaga yung boobs niya sa mga braso ni Bryan. Makati tong pugita na toh ah!

"Ang galing ni Paula mag-themoves kay sir ah!" kantyaw ng isa namin classmate at nag-wink lang naman si Paula habang si Bryan naman parang gustong-gusto pa yung nangyayari at napaka-lapad pa ng ngiti niya.

Sa sobrang inis ko nasiko ko na yung marble bowl na nasa gilid ko. At sa di inaasahang pangyayari nabasag ko ito.

"Ms. Garcia!" sigaw sa akin ni Bryan. At halata sa mukha niya ang pagkainis. Mukhang nabitin ko ata sila sa dikit dede session nila eh.

Inis siyang lumapit sa akin at tumayo sa harap ko.

"Look at what you did!" bulyaw niya sa akin. "Alam mo ba kung magkano ang halaga ng marble bowl na yan ha?! Tsaka yung mga sinayang mo na ingredients!" sigaw niya sa akin at rinig ko naman na nagbubulungan na sila.

"You clean up that mess this instant." sabi niya sa akin. "But.." pinutol niya agad yung sasabihin ko.

"No buts ms. Garcia or else I'll report you to your dean." sabi niya sa akin tsaka ulit siya bumalik sa harap.

At ako? Eto naglilinis ng kalat ko! Bwisit ka! Grabe napahiya ako dun ah!

Di na ko nakinig pa sa mga sinasabi niya at binagalan ko nalang pag lilinis ko dito sa nakalat ko.

"Need some help love?" kahit di ko siya lingunin alam ko kung sino yang hudas na nagsalita na iyon.

"Wag na po, SIR! Matatapos na ho naman ako dito!" pagtataray ko sa kanya. "Love naman, sorry. Di naman ako pwede magkaron ng favoritism kasi baka makahalata sila na ikaw paborito ko." sabi niya sabay back-hug sa akin. Agad ko naman itong kinalas dahil na din sa inis ko.

"Wala daw, pero kay Paula. Tss. Bwisit! Mukhang nainis ka pa dahil nabitin ko ata yung dikit dede session niyo na dalawa." sabi ko sabay tayo at itinapon sa trashbin yung mga kalat na nagawa ko.

"Love, di ko naman gusto yun. Wala nga ko maramdaman kanina eh." sabi niya sa akin. Di ko nalang siya pinansin at naghugas na ako ng kamay ko.

"Love, sorry na po." sabi niya sa akin habang nakayakap ng patalikod.

"Dun ka nga! Baka may makakita!" bulyaw ko sa kanya. Aba! Hindi ako papatalo ano! Ano siya? Sinuswerte?

Sinukbit ko na yung bag ko at akmang aalis na sana ng hawakan niya yung kamay ko.

"Kakain pa ko, di ako nakapagbreakfast." sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi di pa talaga ako nakain ng agahan.

"Ipagluluto na kita." sabi niya.

"No thanks. May baon ako." bagot na sagot ko sa kanya.

"I love you Angela." sabi niya sa akin, at ramdam ko yung mahinang pag bitiw niya sa kamay ko. Shit naman tong itlog na toh!

Hinarap ko siya at dinamba ng yakap. "Pasalamat ka di kita matiis. I love you too Bryan. Sa susunod na maulit yung session niyo kanina, puputulin ko na yang baston mo." bulong ko sa kanya sabay kalas sa yakap namin na dalawa.

-

"Girl grabe ka, galing mo mang-akit ha! Pati si sir Bryan naaakit mo na!"

"Kaya nga grabe! Lakas ng alindog mo teh!"

Nandito ako ngayon sa room namin at rinig na rinig ko yung usapan ng mga blockmates ko na makakati and guess what, nagpipintig na tenga ko sa mga naririnig ko.

"Naman! Kailangan natin yan!"

Dinig na dinig ko yung sinabi ni Paula na iyon. So plinano niya talaga yung ginawa niya kanina? Pwes! Di na niya mauulit pa yun.

"Goodmorning class." na-shock naman ako ng makita ko kung sino yung professor na nasa harapan namin.

"Absent yung prof niyo kaya ako muna yung sub." sabi ni Bryan. "May iniwan din siyang seatwork para sainyo." dagdag niya pa at nagsimula nang magsulat sa whiteboard.

"Lalandiin mo ba ulit Paula?"

"Of course, wait and see."

Dinig na dinig ko na naman yung mga kalandian na usapan nila. Tss.

Akmang magsasalita na sana si Paula nang tumayo ako agad.

"May problema ba Ms. Garcia?" tanung niya sa akin. "Di ko po ma-gets yung meaning nito oh." sabi ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay ng makita ko na napatingin siya kay Paula na nasa tabing upuan ko lang.

Umupo na ako ng makita kong kindatan siya ni Paula at nginitian niya naman.

Bwisit! Mag-sama na kayo ng pokpok na yan! Tse!

Napatingala naman ako ng makita kong nasa harapan ko pala siya.

"Ano di mo maintindihan?" seryosong tanung niya sa akin. "Wala! Intindi ko na ho, SIR!" pa balang na sagot ko sa kanya at inirapan siya. Nakita ko naman sa mukha niya nagpipigil siya ng tawa. Tinaasan ko siya ng  kilay kaya pinat niya na lamang yung ulo ko at umupo na sa teacher's seat.

Naaasar ako sa kanya kaya sa seatwork ko nalang itinuon yung pansin at pagka-asar ko!

"Baka mabutas yung papel." sabi ni Bryan. Inirapan ko nalang ulit siya. Di na niya ako pinansin at lumapit siya kay Paula. "Ang ganda naman ng sulat mo Paula." sabi niya na para bang inaasar ako.

At dahil sa sobrang inis ko sa kanya nabali ko na yung ballpen ko. Tss! Kumuha nalang ulit ako ng panibago at tinapos ko na yung seatwork ko.

My Hot Professor (SPG) -- "COMPLETED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon