Epilogue

67.3K 1K 648
                                    

Nakalipas ang ilang taon at hindi ko pa din maiwasan ang hindi malungkot at maiyak sa tuwing naaalala ko yung sinapit ng asawa kong si Angela.

Pero masaya pa din naman ako sa buhay ko dahil mayroon pa din akong rason para mabuhay at sumaya sa bawat araw at yun ay ang anak naming mag-asawa na si Max.

4 years old na si Max at walang araw na hindi ko ikinukwento sa kanya ang mommy nya. Alam kong proud na proud si Angela ngayon sa anak namin dahil sobrang bibo at talino nito. Sa tuwing nakikita ko naman si Max ay naaalala ko agad ang aking asawa dahil kuhang-kuha ni Max ang mukha ng kanyang mama.

Sabi pa nga noon nila Kevin na boy version daw ni Angela si Max kaya tuwang-tuwa lagi si Max pag sinasabi iyon sa kanya ng kanyang mga tito't tita.

Hindi na ako naghanap pa muli ng magiging bagong ka relasyon dahil para sa akin, sapat na ako sa asawa ko at sa anak ko. Ramdam ko pa din ang pagmamahal sa akin ng asawa ko. Malimit nya akong dalawin sa aking panaginip kaya naman palaging maganda ang gising ko.

Balita ko naman ay nagpakamatay na daw si Nikki dahil natagpuan daw ang bangkay nito sa simenteryo kung saan nakalagay ang grave ng asawa ko. Nakaramdam din ako ng awa para sa kanya dahil alam kong naging miserable ang buhay nya sa nangyare. Pero sa tuwing naaalala ko na sya yung dahilan ng pagkamatay ng asawa ko ay agad naman nawawala ang awa ko para sa kanya.

"Daddy, look at this. I made this for mommy." , tuwang-tuwang sabi ng anak ko habang ipinapakita nya sa akin yung painting na ginawa nya. Mayroong nakadrawing doon na tatlong stick people na may naka label na mom , me , daddy. Bigla akong naiyak dahil naaawa ako sa anak ko na di man lang nasilayan ang kanyang mama. At na di man lang sya nahawakan ni Angela bago ito mamatay.

"Your mommy would love this baby. She'd be so proud of you right now." , sabi ko sa kanya sabay pat ng ulo nya.

Nagpakawala naman ng giggle si Max tsaka tumakbo doon sa kwarto nya.

"Angela, love. Happy Anniversary sa atin. I love you so much and I miss you so much! Pakita ka ulit mamaya sa panaginip ko ah! May mga kwento ulit ako sayo love." , sabi ko habang nakatingin doon sa malaking portrait nya na nakangiti dito sa sala.

I miss my wife. Kung maibabalik lang yung nakaraan sana hindi nalang ako umalis noon para bumili ng pagkain at binantayan ko nalang sana sya ng maigi, kaso hindi din natin kasi malalaman agad kung ano yung pwedeng mangyare.

"Don't worry love! Aalagaan ko ng mabuti anak natin at mamahalin ko sya ng lubos." , sabi ko at bigla naman akong nakaramdam ng isang malamig na ihip ng hangin at napangiti nalang ako.

"I love you too love." , narinig ko kasabay ng ihip ng hangin. Kinilabutan ako pero saglit lang iyon dahil alam kong mahal ako ng asawa ko.

== THE END! ==

———————————————————————————————

NO SOFT COPY GUYS AH!!! ^____^

THANK YOU PO SA LAHAT NG SUPPORT NA IBINIGAY NYO SA BOOK NA TO!!! <3

My Hot Professor (SPG) -- &quot;COMPLETED&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon