Chapt. 07

558K 5.5K 391
                                    

2 weeks ng walang paramdam sa akin si Bryan simula ng mag-away kami dahil dun sa pakikipag harutan niya doon sa higad. Ok, sabihin na nating hindi siya nakikipagharutan, pero kahit na! Pinansin niya pa rin yung lumalandi sa kanya. Tsk!

Nandito ako sa school, and guess what, wala din siya dito. Nasaang lupalop na kaya sumuksok yung lalaking yun? Nakakastress sobra! Wala man lang din ni isang text!

If anyone know where he is, please do inform me. Asap!

"Hoy! Kanina ka pa tulala jan ha." nagulat naman ako doon sa nagsalita. "Mukha ka naman nakakita ng multo. May problem ka ba sissy?" tanung sa akin ng one and only bff ko na si Raymond.

"Wala naman girl. May iniisip lang ako na malalim. I wonder, do you know where sir Bryan Santos is?" tanung ko sa kanya. "Ayy sis! Hindi mo ba alam? Nagresign na si papalicious!" sabi niya sa akin na ikinalaki ng mata ko.

Huh?! Resign? Kailan pa? Bakit di ko alam? Bakit di niya sinabi sa akin? Dahil ba iyon sa nangyari sa amin? Pero bakit ganun? Bakit di man lang siya naginform sa akin? Galit ba siya? Wala na bang kami? Uso kasi mag inform ng walang naiistress ng ganito!

I'm now having some mixed emotions. All I can feel now are confussion, stress, anger, hatred, and a very deep crucial pain! Like what the heck? How could he do this to me like that? Like nothing ever happened between the both of us. Do I deserve this kind of treatment? I was just being a jealous faithfull girlfriend who's actually afraid of losing my boyfriend from some bitchy leech.

-

Nandito ako ngayon sa faculty ng mga teachers. Magtatanung tanung ako kung ano ba talagang nangyare kay Bryan.

"Hi sir. May I ask lang po, nasaan nga po pala si Sir Bryan Santos? Hindi ko na po kasi siya nakikita pa dito sa school ground." tanung ko sa hindi ko kilalang prof na to.

"Isa ka ba sa mga students niya?" tanung niya sa akin at nag nod nalang ako bilang sagot. "Hindi niya ba kayo nainform na aalis na siya dito sa school?" eh yung totoo sir? Magtatanung ba ako kung nainform niya kami? Kaloka! Umiling nalang ako bilang sagot ko sa kanya.

"Ah ganun ba, umalis na dito sa Bryan sa school because of his girlfriend daw." nanlaki naman mata ko dun sa sinabi niya. "Ok po sir, thank you po."

Pagkalabas na pagkalabas ko ng faculty narinig ko naman nagbubulungan tong mga aligid ni Paula.

"Girl waley na dito si papalicious na si sir Bryan. How sad ano?" sabi ni aligid 1. "Why daw girl? Ano meron?" tanung ni aligid 2. "Di ko din alam girl, pero balita ko nagkakatext sila ni Paula." sagot ni aligid 1 na ikinapintig ng tenga ko.

So ganun, kay Paula lechugas nagawa niyang magtext sakin na gf niya di niya magawa?! What the hell?! Ano kaya pumasok sa kokorte ng lalaking yun?!

Sa sobrang inis ko umalis na ko sa pwesto ko. Ayoko na makinig pa sa kanila at baka may malaman pa akong ikakasabog ko.

I feel so betrayed sa mga nalaman ko. I thought he loved me? Or maybe he just used me for sex? I'm effin confused!

-

"Hay nako sissy! Ano ba kasing iniisip mo jan? Tatlong araw ka ng di napasok ng school. What the hell is wrong with you? Ano ba talagang meron?!" hindi ko siya pinansin at umiyak nalang ako ulit.

Bryan texted, and he ended our relationship. Humingi ako sa kanya ng explanation pero di na niya ako nireplyan. Ang masakit kasi hindi ko alam kung ano na ba nangyayari sa amin tapos malalaman mo na hindi din pala ako worth ng ni isang explanation man lang.

I'm so dumbfounded right now!

"Girl you need to get out of your system. This is so not you! Well, if you need me you got my number. Papasok na ako. Ako nalang bahala sa mga notes mo." niyakap niya ako ng mahigpit. Halata sa mukha niya ang awa at alala.

My Hot Professor (SPG) -- "COMPLETED"Where stories live. Discover now