Chapt. 24

217K 2.5K 158
                                    

"Ms. Garcia and Mr. Santos, the both you are hereby to live the school ground!" , madiing sabi sa amin nung may ari ng BSU. "At ikaw mr. Santos! Sa kulungan ka pupulutin ngayon!"

"What?! NO!" , sigaw ko ng malakas habang ang mga pulis ay pinoposasan na sya.

"I LOVE YOU ANGELA! ANTAYIN MO KO!" , sigaw ni Bryan habang nagpupumiglas doon sa dalawang pulis na nakahawak sa kanya.

"I told you. Ako ang mananalo! If I can't have him, then no one can. Wahahahahahahahahahahaha!" , tawa ni Nikki! Napakasama nyang babae! Hahanap ako ng paraan para makalabas ng kulungan si Bryan.

"NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! BRYAAAAAAAAAAAAAAAN!" , sigaw ko habang hinahabol yung kotse ng mga pulis.

"AG gising!" , shems! Panaginip lang pala lahat.

"AG ano ba nangyare?" , nag-aalalang tanung ni Kleo sakin. Hindi ako sumagot sa kanya at yumakap nalang ako sa kanya ng mahigpit. "Shhh. Tahan na AG.", sabi nya habang hinahagod yung likod ko. Paano nalang kung magtagumpay si Nikki? Paano na kami ni Bryan? For sure mas lalo akong kamumuhian ng mama ni Bryan pag mangyare iyon.

"Akala ko kasi —"

"Shhh. It was just a horrible dream AG. Nandito kaming lahat para sainyong dalawa. Got it?" , malambing na sabi nya sakin at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya.

Nandito si Kleo ngayon sa condo ko. Hindi ko na sya pinauwi dahil ayokong mag-isa ngayon.

==

"Ok ka lang girl? Bat mugto yang mata mo? Hoy Kleo! Pinaiyak mo ba tong si Angela ah?!" , sabi ni Paula habang nakapamewang pa.

"Oyy! Hindi ako nagpapaiyak ng babae!" , dipensa ni Kleo. "Hindi yan nakatulog ng maayos dahil dun sa problema."

"Ano ka ba girl! Makakasuhan na yung stalker na yun! Kinausap ko na yung mag-kuya kagabi at nagfile na silang dalawa ng demand at nakakuha na din sila ng lawyer para sa kaso. Problem solve girl!" , tuwang-tuwang sabi ni Kiara habang napalakpak pa yung kamay nya.

"10:30am na, pasok na tayo." , sabi ni Kleo. Kaya naman pumasok na kaming tatlo, ako, si Kleo, at si Paula.

Si Bryan yung prof naming tatlo ngayon.

"Good morning class." , bati nya sa amin pero parang may mali sa aura nya ngayon.

"Good morning sir." , bati nilang lahat.

"Pop quiz." , walang gana nyang sabi. Ano kaya problema nya? Ano kaya nangyare sa kanya?

Iniabot na nya sa amin yung quiz namin at nagsagot na kami, syempre pati na din ako at ayokong bumagsak. After quiz kakausapin ko sya. Alam kong may bumabagabag sa kanya.

Nang matapos na ang lahat, since nagsilabasan na sila ay dumiretso ako sa kanya agad. Nagpahuli talaga ako para makausap ko sya.

My Hot Professor (SPG) -- "COMPLETED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon