Chapt. 18

341K 3.1K 106
                                    

"Love may problem na naman ba tayong dalawa? Hindi mo na ako nirereplyan tas pati tawag ko di mo na din sinasagot. Ano ba kasi nangyayare sayo? Nagpapadala kana ba sa pinsan mong bading?" , ok oa na kung oa eh kasi naman! Sino ba kasi yung kayakap nya?

"Look at this bro." , sabi ni Kleo sabay pakita dun sa phone nya. Pinicturan kasi ni Kleo yung pagyayakapan nila nung babae para daw proof.

"HAHAHAHAHAHAHA!" , napataas kilay kaming dalawa ni Kleo sa ginawang pag tawa ni Bryan. Aba ayos din tong sira ulong to ah! "Sorry love, epic lang talaga. Ang seloso mo pala talaga. Hahahahaha." , pahayag nya habang maluha-luha na sa kakatawa. Eh kung buntalin ko kaya to ano?!

"Love naman. Pinsan ko yun. Si Antonette Santos. Kakauwi nya lang galing UK. Dumiretso sya dito sa BSU para makita ako. Woooh! Hay yang love ko talaga oh. Ayiiiih! Kinikilig ako love pag nagseselos ka." , pigil tawa nyang sabi. At si Kleo naman parang napako sa kinatatayuan nya. Nandito kaming tatlo sa rooftop. Ito na yung ginawa naming tambayan na tatlo.

"Are you ok bro?" , alalang tanung ni Bryan kay Kleo. Yes! Close na sila! Take note, nagbro-bromance na yang dalawang yan!

"Did you say that Antonette is your cousin?" , tanung ni Kleo sabay tingin sa akin.

"Don't tell me that Bry's cousin is the one that you mentioned to me earlier?" , tanung ko sa kanya.

"No clue." , sagot nya sakin.

"Hello OP ako!" , inis na sabi ni Bryan. "At ikaw kilala mo pinsan ko?" , takang tanung ni Bryan kay Kleo.

"Not sure bro. Baka same name lang sila. Di kasi clear sa pic yung face ng pinsan mo eh." , ani ni Kleo.

"Pakilala ko nalang kayo mamaya sa kanya na dalawa. Magpunta na kayo sa room, susunod nalang ako sa inyong dalawa." , sabi ni Bryan sabay kiss sa forehead ko.

"Sige bro una na kami." , paalam ni Kleo.

"Bye love." , paalam ko naman sa kanya.

Nagshift kasi ng course tong si Kleo at kinuha na din ang culinary para magkakasama daw kami.

==

"Angela." , napatingin naman ako kay Paula ng tawagin nya ako at kitang-kita sa mga mata nya na kagagaling nya lang sa isang matinding pag-iyak.

"Totoo ba Angela? Totoo ba yung sinabi ni Kevin sakin? Bakit mo nagawa sakin yung Angela?! Bakit?! Tinuring kita na parang kapatid ko!" , sunod-sunod na sigaw nya sakin at mas lalo akong nagulat ng sampalin nya ako.

"Paula tama na!" , awat sa kanya ni Kleo. "Pwede bang mag-eexplain muna sayo si Angela."

"At ikaw!" , sabi nya sabay duro kay Kleo. "Pinsan kita! Pero sya yung  kinakampihan mo!"

"Paula, just shut up! Pag salitain mo muna si Angela." , inis na sabi ni Kleo.

My Hot Professor (SPG) -- "COMPLETED"Where stories live. Discover now