Chapter 13

223K 6.3K 359
                                    

CHAPTER 13

NAKATINGIN si Marj sa labas nang bintana nang eroplano at nag-iisip kung anong magandang gawin pagkabalik niya sa Pilipinas. Hindi na siya magta-trabaho bilang waitress at babalik na siya sa dating buhay niya.

Nasa himpapawid siya pabalik sa Pilipinas. Katabi niya sa upuan si Ralph kaya naman hindi siya nailang humilig sa balikat nito.

“Ralph, parang gusto kong magbakasyon pagkauwi natin. I want to go to a quite place to think.”

“Sure, basta kasama ako, why not?”

Nalaki ang mga mata niya ng marinig ang boses ni Aiken. Mabilis siyang nagtaas ng tingin. “Nasaan si Ralph?”

Lumingon ito na para bang may tiningnan sa likod. “We exchanged chairs.”

Umayos siya sa pagkakaupo. “Bumalik ka na sa upuan mo. Baka hanapin ka pa ni Lizella, bigla pang mag transform ‘yon at maging malaking sawa.”

“Damn her.” Mahina pero mariing sabi nito. “Dahil sa kagagawan niya kaya magulo tayo.”

“Walang tayo, Marlon Aiken.” Pagtatama niya rito.

Aiken chuckled and pinched her nose. “May tayo. Simula ng sabihin kong mahal kita at aminin mong mahal mo rin ako, may tayo na. Yes, it’s not yet official, pero papunta rin tayo roon.”

Inirapan niya ito. “Puwede ba, Marlon Aiken. Tigil-tigilan mo ako. At masyado kang bilib sa sarili mo. Nakakalimutan mo bang galit ako sayo?”

“Alam kong galit ka sa akin. That’s why I’m here to explain everything.” Anito. “Damn Lizella! Dahil sa pagsunod ko sa lahat ng gusto niya, marami akong nasira, at isa na doon ang tiwala mo.”

Hindi siya nagsalita dahil wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito.

“First, before I start explaining, can I ask a little favor from you? Call me Aiken. Not Marlon Aiken.”

“Ano ba sayo kung tawagin kitang Aiken o Marlon Aiken, ano ba ang pinagkaiba ‘non. Pareho mo namang pangalan ‘yon.”

“Dahil ipinangako ko sa sarili ko na tanging mga babaeng mahal ko ang tatawag sa aking Aiken, at isa ka sa mga babaeng ‘yon. My sister Aika, who died because of that freaking sickness, called cancer, used to call me that. Hindi ko siya nabanggit dati kasi kahit matagal na siyang namatay, sensitibo pa rin para sa akin ang topic na ‘yon. She’s just ten when she died and it scared my heart.  My mom calls me Aiken too. Maliban kay mommy, si Aika lang ang babaeng minahal ko ng todo. Kaya naman  gusto kong tawagin mo rin ako ng ganoon. Call me, Aiken. Pakiramdam ko kasi, kapag tinatawag mo akong Marlon Aiken, I’m just a nobody to you. Kaya pinipilit kitang tawagin akong Aiken. Because every time you call me that, I feel like I belong to you. I feel like somehow, I have a space there in your heart.”

“Whatever.” She rolled her eyes and acted like she doesn’t care. Pero ang totoo, na-touch siya sa sinabi nito. Hindi niya alam na may rason pala ang pamimilit nito na tawagin niya itong Aiken. “Start explaining… Aiken.”

He took a deep breath while looking at her with hopeful expression on her face. “I hope, after this, you’ll believe me. It all started when you saw Lizella kissed me in my office.”

Nag-init kaagad ang ulo niya at inatake ng selos ang puso niya. “Correction, naghahalakan kayo.”

“No, she kissed me. There’s a difference.” Sumandal ito sa likuran ng upuan. “She asked me who you are. Alam kasi niyang hindi ko ugali na magpatawag ng empleyado sa opisina ko. She was my girlfriend for a year kaya alam niya iyon. I told her you were one of my employees. And that was my biggest mistake. Hindi ko alam na kilala ka pala niya, I should have known better. Parehong mundo ang ginagalawan niyo ni Lizella at sikat ka sa mundong ‘yon—”

Falling For Marlon Aiken [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon