Chapter 6

218K 6.5K 308
                                    

CHAPTER 6

NAGAALANGANG pumasok si Marj sa bahay ni Aiken. She can see uncertainty on his green eyes and it worried her. Baka napipilitan lang ang binata na papasukin siya sa bahay nito dahil hahanapin pa nito ang file na pinapakuha ng pinsan nito sa kanya.

Hindi siya nahirapan na hanapin ang bahay nito. Tama nga si Sir Ramm, ang bahay lang ni Aiken ang may kulay gray na pintura. At nakatulong din ang lamppost na nadaanan niya para madaling mahanap ang bahay ni Aiken. Hindi tumuloy ang taxi na sinakyan niya kasi bako-bako na ang daan at kailangang lakarin niya ang daan papunta sa bahay ni Aiken.

“Ahm… I can wait outside.” Aniya at nilingon ang medyo may kadiliman na paligid. 

 “No, please, enter.” Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto. “Medyo makalat nga lang ang bahay ko.” Sabi nito na bahagyang nakangiwi.

“Okay.” Dahan-dahan siyang pumasok sa bahay nito at ipinalibot ang tingin sa kabuunan ng bahay nito.

Napanganga siya ng makita ang makalat nitong sala. Nagkalat sa sahig ang mga sapatos, medyas, libro, DVD tapes at kung ano-ano pang gamit nito. Nakita niyang isa-isang pinulot ni Aiken ang nagkalat na mga gamit.

“Ahm… yeah.” Napakamot sa batok si Aiken. “Medyo makalat ang bahay ko.”

“Medyo? That’s an understatement of the century. Hindi iyan medyo.” Iminuwestra niya ang kamay sa nagkalat na mga gamit nito. “Sobrang kalat kaya.”

“I’m not here often, kaya naman makalat dito.” Tumigil ito sa pagpupulot ng kalat at tumingin sa kanya. “Ahm… would you mind if you wait in the kitchen. At least doon, walang kalat.”

“Sure.” Aniya at sinundan ang binata papuntang kusina.

“Well, you can wait here. Hahanapin ko lang ‘yong file.” Anito at nagmamadaling iniwan siya sa kusina.

 Ipinalibot niya ang paningin. Malinis nga rito kompara sa sala. Walang nagkalat na mga gamit at malinis din ang sahig. Mukhang palagi ngang wala rito ang binata tulad ng sabi nito kanina.

Ilang minuto rin ang lumipas bago bumalik si Aiken. Medyo hinihingal ito at pawis na pawis. “Anong nangyari sayo?” Tanung niya.

“I can’t find it.” He exhaled a loud breath. “Nawawala yata.”

“Iyon ang pinunta ko rito. Kung nawawala naman pala e di aalis na lang ako.” Ayaw niyang magtagal sa bahay ng binata. Baka atakihin naman ang mahalay na parte ng utak niya at ano pang kagagahan ang magawa niya.

Oo nga at gusto niya si Aiken, pero wala naman siyang balak na maging isang disperadong babae.

“Wait!” Pigil nito sa kanyang ng akmang lalabas na siya ng kusina.

“Ano?”

“Can you wait a little bit longer? Sa sala na kung gusto mo.”

“Okay. Basta huwag ka lang matagalan sa paghahanap.” Aniya at naglakad pabalik sa sala.

Natigilan siya ng makita ang walang kalat na sala. Maayos na ang pagkakalagay ng mga gamit, at malinis na rin ang paligid. Nilingon niya si Aiken na nasa tabi niya. “Ang bilis mo namang maglinis.”

He chuckled while rubbing his nape. “Actually, tinapon ko lang ang mga nagkalat na gamit doon sa basement.”

Napailing-iling siya. “Ewan ko sayo, Aiken. Sige, hanapin mo na ang file na pinapakuha ni Sir Ramm at ng makaalis na ako.”

“Okay. Wait here.” Iniwan siya nito para hanapin ulit ang file.

Umupo siya sa mahabang sofa. “Wala ba siyang katulong at ganito kakalat ang bahay niya?” Tanung niya sa sarili.

Falling For Marlon Aiken [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon