Chapter 3

223K 6.7K 496
                                    

CHAPTER 3

PAGKATAPOS siyang i-training ni Yuan, ang baklang manager ng Bachelor’s bar, agad siyang pinagtrabaho nito. Binigyan siya ni Yuan ng uniform. Kulay itim na mini-skirt at hapit na hapit na kulay puting polo shirt. Mas lalong napansin ang maputi niyang balat dahil sa kulay ng uniform. Ang buhok niya na sanay siyang nakalugay, ngayon ay nakatali na.

Binabawi na niya ang sinabi kanina tungkol sa mga waitress. Isa lang ang masasabi niya, napakahirap maging isang waitress. Kailangan balansi ang hawak mo sa tray. Kailangan mabilis ang lahat ng galaw mo. Dapat palaging nakangiti kahit nakakapagud na. Kailangan approachable ka sa lahat ng customer.

Nakakapagod!

Nang mag-break siya, lamog na lamog na ang katawan niya. Ito ang unang beses na napagud siya ng todo. Sa pagdi-direk ng tileserye o pelikula, puyatan ang drama niya. Medyo namamaos din ang boses niya dahil sa kasisigaw nang kung ano ang dapat gawin ng mga artista. Pero sa pagiging waitress, sobrang nakakapagod sa katawan.

Hindi niya akalain na ganito pala kahirap ang trabaho ng isang waitress. Mabuti nalang at may locker room sila kung saan nagpapalit ng damit ang mga empleyado o nagpapahinga kapag break kaya naman heto siya ngayon, naka-upo sa isang mahabang upuang kahoy at minamasahe ang sariling paa. Masakit ang mga muscles ng paa niya at may paltos din siya!

Ayoko na! Maiyak-iyak na tili ng isip niya.

Narinig niyang bumukas ang pintuan ng locker room. Hindi niya tiningnan kung sino ang pumasok dahil naka-focus siya sa nananakit niyang paa.

“Kumusta ang trabaho mo?”

Napalingon siya sa nagsalita. Nanlaki ang mata niya ng makita si Marlon Aiken sa likuran niya. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at hinarap ang binata.

“Anong ginagawa mo rito sa loob ng locker room?” Tanung niya sa binata.

He gave her a ‘duh’ look. “I’m the owner. I can go wherever I want in this bar.”

“So? Hindi porke’t pag-aari mo ang bar, e basta-basta ka nalang papasok. Paano nalang kung nagbibihis ako?”

“Hindi pa tapos ang duty mo. Saka alam ko namang break mo at nagpapahinga ka lang dito.”

“Paano mo nalaman?”

“Tiningnan ko ang schedule mo.”

“Bakit mo tiningnan?”

“Malamang kasi empleyado kita.”

“Bakit ba palagi ka nalang may sagot sa tanung ko?” Naiinis niyang sabi sabay upo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy.

“Kasi matalino ako.” Tiningnan nito ang paa niya na hinihilot niya. “Okay ka lang?”

“Okay lang.” Sagot niya.

“Okay ka lang ba talaga?”

“Oo nga. Okay lang ako.”

“Talaga? Wala kang nabasag na baso? Hindi ka natapilok? Hindi ka pumalpak?”

Napanganga siya. Akala pa naman niya nagaalala ito sa kanya. Nag-aalala pala ito sa mga baso!

Pinigilan niya ang sarili na hindi ito irapan. Pagod na pagod na nga ang katawan niya, ang binata pa na nagpapalakas ng mga buto-buto at kalamnan niya ay wala man lang pakialam sa kanya.

Bakit ka naman niya pakikialaman? Sino ka ba? Isa ka lang namang trabahante. Isaksak mo yan sa utak mo. Ani na isang bahagi ng isip niya.

Kung may katawang tao lang ang isip niya, kanina pa ito bugbug-sarado sa kanya.

Falling For Marlon Aiken [Published]Where stories live. Discover now