MWR#16

20.6K 269 6
                                    

Nasa school ako pero may updateeeeeee :)) Wala naman kasing ginagawa kaya nagdala nalang ako ng laptop para makapagsulat ng ibang chapters ;) 

Gusto ko lang sabihin na iyong 'The Sex Goddess and The Casanova Prince' will be published soon under LIB :D Thank yoou!! 

Short update ~

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 16

 

Sabrina’s POV

 

“Manang, patulong naman po kay Ethan” sabi ko dasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian ni Ethan ng bigla niyang ilabas iyong mga kinain namin. Kung tutuusin ay konti palang iyong kinakain niya at nakakailang subo palang siya pero inilabas niya na agad.

“Sabrina pasensya ka na kung nagkakaganyan si Ethan. Sana ay wag mo siyang sukuan” rinig kong sabi ni manang habang papunta kami ng kusina. Dadalhin ko kasi doon iyong pinagkainan namin habang si manang ay kukuha ng pangpunas sa kinalat ni Ethan.

“Wala po akong balak sumuko, ngayon pang alam kong kakayanin niya dahil magkasama na kami” nakangiting sabi ko sa kanya.  Totoo iyon, nang malaman ko iyong totoo niyang kondisyon noong isang linggo ay inilagay ko na sa isip kong lalaban din ako para sa kanya.

Halos isang linggo lang ang nakalipas mula ng malaman ko iyong totoo at masasabi kong parang mas lumala si Ethan. Madalas ay hindi na siya talagang kumakain dahil nilalabas lang ng katawan niya. Paminsan minsan naman ay prutas iyong pinapakain sa kanya. Ako na rin ang nag-aasikaso sa kanya kapag nagigising siya, at dahil palagi siyang gising kapag madaling araw ay naguusap nalang kami tungkol sa mga bagay bagay.

Katulad noong isang gabi, napag-usapan namin iyong tungkol sa pagkakaroon ng anak.

*Flashback*

“Sorry” rinig kong sabi niya, andito kami sa balcony ng kwarto kung saan kami natutulog ng magkasama.

“Para saan?”

My Wife's Regret(COMPLETED)Where stories live. Discover now