MWR#21

22.6K 284 28
                                    

KILL ME NOW ~ 

Isang Chapter nalang at tapos na ito ~ 

Pasensya na kayo at pangit itong storyang ito. Sinubukan ko lang naman gumawa ng ibang genre para hindi palaging erotic diba? :))) Ayun lang, maraming maraming salamat sa mga sumuporta ditey sa kwento na itey. :"> 

Busy po ako sa aking pag-aaral kaya naman hindi ko agad naiupdate itong kwentong ito. Pasensya na na ulit. Pasensya na dahil kailangan naming bilisan ang paggawa ng psychological test dahil malapit ng magmidterms at mabilis nalang ang panahon. Kaya naman sareeeh! :)))

 

The most painful ending na yata ito na naisip ko.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 21

Ethan’s POV

Maling mali ako sa ginawa ko kanina alam ko iyon, kahit na ba sinasabi ko ng lalaban ako parang hindi ko ata kayang panindigan. Kagabi narinig ko ang naging pag-uusap nila ni Lea. Narinig kong nahihirapan na siya at gustong gusto niya na akong iwan pero dahil sa mahal niya ako ay hindi niya magawa. Ayokong isipin na awa nalang ang nararamdaman niya para sa akin.

Alam ko namang apektado ng sakit ko iyong emosyon ko, pero minsan ayokong isipin na emosyon ko lang iyong nagsasabi kay Sabrina na iwan na ako. Gusto ko rin namang iwan niya na ako para hindi na siya mahirapan, gusto kong makita siyang masaya bago man lang ako kunin. Ayokong mamatay ng umiiyak siya dahil sa iniwan ko siya, gusto kong mailagay sa isipan niya na kapag iniwan ko siya ay andito lang ako para bantayan siya at ang anak namin.

“Ethan…” agad akong napalingon sa pagtawag niya.

“Sabrina…” mahinang sabi ko. Kaninang paggising ko ay sobrang hina ng pakiramdam ko, pakiramdam ko ay wala ng energy na natira sa akin. Marahil dahil sa naging pagatake na naman ng sakit ko kagabi.

“I’m so sorry” nakayuko’t mahinang sabi niya

“Halika nga rito” sabi ko rito at agad naman siyang lumapit sa harapan ko.

My Wife's Regret(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon