MWR#2

35.3K 452 52
                                    

VOTE-COMMENT-BE A FAN :))) 

PLEASE SUPPORT MY NEW STORY GUYS! :D THANK YOU :*

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ethan’s POV

Naalimpungatan ako paggising ko. 6:30am na pala at maya maya lang ay baba na si Sab para kumain at pumasok sa university. Nagluto na muna ako ng agahan tutal mamaya pa namang 9am ang klase ko. Tapos na akong magluto ng bumaba siya at nakahain na sa lamesa ang pagkain. Siya nalang ang iniintay.

“Kain ka na” sabi ko sa kanya pero tuloy tuloy lang siya sa paglabas ng pintuan tila hindi ako narinig. Masamang pinaghihintay ang grasya. Hinabol ko siya pero huli na dahil naka-alis na siya. ‘Ang bilis talaga ng babaeng yon’ sambit ko sa utak ko. Kahit kalian talaga hindi na siya magbabago, kakain lang siya ng umagahan kapag nagustuhan niya.

At dahil maaga pa naman, ako nalang ang kumain kasi saying ang niluto ko. Hindi kasi pinansin nung isa kaya ako nalang ang papansin. Pagkatapos kong kumain ay nag-ayos na ako ng sarili ko at kahit maaga pa ay nagpunta na ako sa university para tumambay sa library. Ang library kung saan kami madalas tumambay lalo na kung nag-iintay kami ng susunod naming klase noon.

Habang nasa library ay hindi ko maiwasang bumalik sa nakaraan, nakaraan kung saan masaya kaming dalawa. Nagmamahalan ng sobra sobra, yung tipong hindi mo mapaghiwalay kasi sobrang mamimiss namin ang isa’t-isa. Nakaraan kung saan nagbalak kami tungkol sa hinaharap, kung saan unti-unti naming plinano kung paano at saan kami bubuo ng magiging pamilya namin.

Pero dahil sa isang pangyayari, nawala lahat iyon. Naging Casanova siya ng hindi ko inaasahan, hindi siya ganon noon. Pero dahil don, nawala ang dating Sabrina Mae Castillo na minahal ko, mahal ko at mamahalin ko pa.

Nagmuni-muni muna ako bago ako pumunta ng classroom ko. Habang papunta ako ng classroom, nakarinig ako ng ungol. Ang mga tao talaga dito sa university, kung saan abutan ng libog at init ng katawan doon na gagawa ng milagro.

“Uhmm” rinig kong ungol sa may bandang kanan. Sinilip ko nagawa ng milagro don, dahil kung kaibigan ko to malamang binatukan ko na. Pero mali, hindi ko kaibigan ang andun kundi ang ASAWA KO MISMO. Nagulat ako at nasaktan ngunit tinago ko nalang, sa halip na pigilan ay umalis nalang ako doon at nagpunta na sa klase ko.

My Wife's Regret(COMPLETED)Where stories live. Discover now