MWR#10

21.1K 327 9
                                    

Fast Forward na ito kaya sana wala pong maguluhan. Pasensya na kung fast forward ito dahil wala akong planong pahabain ito katuladn ng TSGaTCP. Thank you! 

ENJOOOOOOOOOOOOOOOY!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sab’s POV

Madaling araw na ng makarating kami dito sa Cebu. Pagkadating namin ay natulog muna kami at pagkagising ay saka kami nag-umpisang maglibot sa mga magagandang pasyalan dito. After we land in Mactan-Cebu International Airport, sinalubong kami ng sasakyan ng hotel na pinagtutuluyan namin ngayon. Dala na rin ng pagod at ilang linggong panay ang punta sa iba’t – ibang lugar ay hindi na nakakapagtakang makatulog agad kami at tanghali na magising. We’re staying in Radisson Blu Hotel. The hotel is 30-min drive from the airport kaya naman hindi hassle kung sakaling bumalik man ulit kami rito.

Paggising ko kinabukasan ay may breakfast na nakalagay sa may bedside table ko na may kasama pang note.

‘Good morning Sab. Enjoy your breakfast and meet me at the pool area after’ - Ethan

Hindi ko alam pero sa simpleng breakfast na may note ay naging sanhi iyon para tumibok ng mabilis ang puso ko at sa hindi ko malamang dahilan ay masaya akong kumain ng breakfast sa unang pagkakataon. Kung tutuusin ay hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pagtibok ng mabilis ng puso dahil lamang sa simpleng sinabi at ginawa niya para sa akin.

Nahuhulog na ba ako sa kanya? Kung oo, masama ito. Katulad ng sabi ng mga kaibigan ko ay ang pag-ibig ay para lamang sa mga tanga at hindi ako tanga para umibig sa isang katulad niyang kinuha ang kalayaan ko sa lahat ng bagay.

Ethan’s POV

Maaga akong nagising kaya naman nagparoom service ako ng breakfast ni Sab. Umorder lang ako ng coffee at saka nagpalit ng board short at plain white v-neck shirt na sinamahan pa ng white and green slippers. Pagkatapos kong gawin ang note na iniwan ko sa breakfast ni Sab ay nagpunta na ako sa pool area dahil doon ko sinabing magkita kami pagkatapos niyang kumain.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at dito ko siya pinapapunta. Marahil ay ito ang una kong napansin noong makita ko ang website nila bago kami pumunta dito. Syempre, nagpa-reserved kami kaya naman nakita ko yung amenities nila dito. Maganda ang pool area nila, hindi ordinaryo at talagang nakakarelax.

As we all know, Cebu was the first Spanish settlement in the Philippines making it a center of art and culture. Cebu City is the capital of Cebu and known for being the ‘Queen City of the South’. Most of the tourist either local or foreign says that Cebu City is the best mix of modern city convenience with tropical island lifestyle because it is located in the eastern shore of Cebu.

Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na siya suot ang isang red two piece na pinatungan niya ng short at ng isang loose shirt at may suot siyang hat na mas lalong nakapag-pahot sa itsura niya. Kinawayan ko siya ng makita kong hinahanap niya ako, pagkalapit niya sa akin ay humawak ako sa beywang niya at bumulong sa kanya.

My Wife's Regret(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon