Chapter 2

12.3K 276 52
                                    

Hurt

"A-ano bang kailangan niya sakin?"

Nanginginig 'kong binalik iyong hawak 'kong mga pictures sa envelope. I just can't imagine myself being followed by someone.

Di ako mapakali sa aking inuupuan. I'm really nervous! Sinong hindi kakabahan doon? Iyong tinitignan ang bawat kilos mo? Iyong susundan kahit saan ka mag-punta?

Tinago ko na iyong envelope sa drawer ko at ginawa ko na lang ang mga dapat tapusin dito sa office. I even read the list of my costumers who ordered last week.

"Tabitha, it's already 9:00pm. I'm going home na. How about you?" She yawned. I know she's tired, I am too.

"Uuwi na rin, aayusin ko lang saglit ang mga documents dito. Mauna ka na. Take care."

"Okay. If you say so. Take care too."

Pagkatapos kong ayusin ang lahat, lumabas na ako at sinarado ang shop.

Nag-para na ko ng taxi. Bago ako sumakay, napatingin ako sa kabilang kalsada, mayroon akong nakitang isang lalaki na nakatayo at naka-harap kung saan ako naroon. Napaatras ako nang konti dahil sa pagka-bigla! Hindi ko maaninag iyong mukha niya dahil medyo madilim sa kung saan siya nakatayo.

I suddenly remembered the envelope I've received!

Mabilis akong sumakay ng taxi na huminto sa aking harapan.

"Manong, sa Ayala heights po."

Dumiretso ako kaagad sa kuwarto namin pagka-uwi ko. Hindi ko na nagawang batiin ng magandang gabi si Manang Fe dahil sa takot na nararamdaman ko.

Una 'kong nakita si Alex na natutulog nang mahimbing. He's sleeping peacefully on our bed.

Saglit akong nag-shower at nag-madaling nagbihis ng pang-tulog. Humiga ako sa kama. I began staring at his adorable face.

"Kelan mo kaya ako mamahalin, Alex? Kapag puti na ang buhok ko? Kapag namunga ng bayabas ang puno ng mangga? Wag naman oh. Ayokong dumating sa puntong pagod na akong mahalin ka." Bulong ko. I'm hurt. I'm really hurt.

Madilim. Wala halos katao-tao sa kalsada. Naglalakad ako papuntang Starbucks. Malapit lang ito sa shop kaya walang problema.

Nakaramdam ako na parang mayroong sumusunod sa akin kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko.

Naririnig ko ang mabibigat niyang mga yapak. Bumilis pa ang kanyang lakad.

I ran. Tumigil lang ako noong kinapos na ako ng hininga at ramdam ang pagod. Tumingin ako sa paligid. Bigla siyang nawala! Mas lalo akong kinabahan!

Pagtingin ko sa harap ko. Biglang mayroong nagtakip ng aking bibig. At iyong isang braso niya ay nakapulupot sa katawan ko. Nagpupumiglas ako pero di ko magawa, ang lakas niya! Naiiyak na ako!

I shouted.

Napa-balikwas ako! Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba! It was a dream! Thank God!

"Ang ingay mo." Pag-saway niya sa akin.

Kakalabas lang niya ng bathroom. He's topless! Nang-aakit ba siya? Rosa! This is want you want right?

"I'm sorry." He just smirked! Alex has been cold to me since we've got married. Do I need to get used to it?

We ate our breakfast together. Bihira lang iyon mangyari kaya nagtaka ako at naexcite at the same time!

"Dito ka pala magbe-breakfast." It was a statement not a question.

"Bawal na ba?" Walang emosyon niyang sinabi. Hindi na ko sumagot. I just stared at him for a few seconds.

"Aalis na ko." Hindi niya naubos ang kanyang pagkain, tumayo na siya. Hindi pa ko nakakasagot, umalis na siya. Sa sobrang inis ko kinuyom ko na lang kamay ko. Napayuko ako at napansin 'kong tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Huminahon ka lang Rosa, everything will be okay." Huminga ako nang malalim. Masakit sa dibdib. Hindi ko na kaya, para itong sasabog anumang oras.

Kinuha ko ang cellphone, at tinawagan si Daisy.

"Hello Tabitha?"

I cleared my throat.

"Daisy, di ako makakapunta sa Shop ngayon. I have something important to do." Pagsisinungaling ko.

"Oh, Sige. Ako na bahala dito. Bye."

I want to unwind and go somewhere. I really need to think and come to my senses. I need to relax a bit. So I decided to go to my parent's rest house. Sa Villa Angelina: Maya-Maya. Located in Nasugbu, Batangas.

Nag-ayos na ako ng mga dadalhin ko for overnight trip.

"Iha, saan ka pupunta? Iiwan mo na si Alex? Maglalayas ka?" Sunod-sunod na tanong ni Nanay Fe.

"Nanay Fe. Pupunta lang po ko sa Batangas. Sa rest house nila mama. Uwi rin po ako bukas. Paki sabi na lang kay Alex if ever na hanapin niya ako. But I doubt." Binitbit ko ang mga gamit ko at tumungo palabas ng gate.

"Ikaw talaga Rosa di ka nasanay sa asawa mo."

"Iyon nga Nay eh, nakakapagod na. Parang wala siyang paki-elam sa akin. Para akong hangin lang dito sa bahay. Ni hindi niya ko maturing na asawa." Tumingin ako sa taas para pigilan ang luha na nagbabadyang bumagsak. Pero wala, bumagsak pa rin. Tumingin akong muli kay Nanay Fe.

"Darating din iyong araw na mamahalin ka niya Iha." Sabay suklay ng daliri niya sa buhok ko. Kita ko ang lungkot at awa niya sa kanyang mga mata.

"O sige Nay, tama na ang drama." Pinilit kong ngumiti.

"Ayan, lalo kang gumaganda pag ngumingiti. Mag-ingat ka ah. Iba na ang panahon ngayon madami na ang loko-loko dyan sa daan. Kaya mo ba talagang pumunta roon ng mag-isa?" Alalang tanong niya.

"Oo naman po. Mag-iingat ho ako. Salamat."

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon