Chapter 9

8.5K 174 22
                                    

Cried

"Bakit?"

Takang-taka ako sa sinabi niya. Ano ba ang kailangan niya?

He cleared his throat.

"Ako ang may hawak sa kaso ng mga missing persons." Seryoso ang kanyang mukha.

"Talaga?" Ibig sabihin pinahanap ako ni Alex?

"Yes."

"May nagpapahanap sa akin, tama ba?"

"Rosa, iuuwi na kita sa inyo bukas." Hindi niya sinagot ang aking tanong. Iyon ang bagay na pinagtataka ko.

"No, huwag muna! Buo na ang pasya ko. Hangga't hindi pa nahuhuli si Ian, hindi ako uuwi. Baka mapahamak pa si Alex ng dahil sa akin."

"Nakatakas nga siya noong nakita kayo ng dalawang pulis, pero may tama siya ng bala. Isa siyang serial killer. Matagal ng iniimbestigahan ang krimen na ginagawa niya, hanggang ngayon hindi pa rin matapos-tapos. Masayado siyang matalino, pati mga pulis nahihirapan na mahuli siya."

"Ako ang bahala." Matigas 'kong sambit.

"Are you sure about that?"

"Oo." Ilang segundo kaming nagsukatan ng tingin.

"Okay. Doon ka muna mag-stay sa apartment na pinapaupahan ko."

--

Pinagmasdan ko ang buong apartment, simple lang ito, hindi naman maliit pero pwede na

Napagdesisyunan 'kong makipagtulungan sa mga pulis, para lang mahuli ang kriminal na iyon. Alam ko, marami na siyang na-biktima, at kailangan ng mabigyan ng hustisya ang mga babaeng pinatay niya. Huminga ako ng malalim. Naalala ko, may dalawang litrato pala akong kinuha sa bahay niya. Hinanap ko ito sa bag ko, at buti na lang hindi nawala. Agad-agad akong nagpalit ng damit.

Quezon City Police Station

"Hi. Can I talk to Troy? Nandito ba siya ngayon?"

"Saglit lang po Ma'am." I waited for a few minutes.

"Rosa? Why are you here?" Lumingon-lingon siya.

Bago pa ako magsalita. Hinawakan na niya ang aking braso at pinapasok sa office niya.

"Hindi natin alam baka si Ian ay nasa tabi-tabi lang. Kaya amg-iingat ka! Alam mo kung gaano siya ka-obsessed sa'yo, tama? At may nakarating sa akin na balita, kaya hindi mahuli-huli si Ian, may kasabwat siyang isang pulis dito mismo sa Station namin."

"I know Troy. Ha? What? Paano na 'yan?" Mangiyak-ngiyak 'kong sambit.

"Gumagawa na ko ng hakbang para malaman kung sino."

"Mapapahamak ka rin."

"Rosa, tanggap ko ng mapanganib ang trabaho ko. Matagal na."

"Ito ang dalawa na na-biktima niya." Sabay abot ko sa kanya.

"Saan mo 'to nakuha?"

"Sa bahay niya mismo. Paki-hanap na lang sa records niyo kung saan sila nakatira at kung anong pangalan nila. Please?"

Pumunta siya sa desk niya, at tumingin sakin, "I'm on it."

"Amelia Suarez, 24 years old. #10 Kalayaan St. Pandacan, Manila. And other one is... Lets see.. Kathleen Santos, 25 years old. #20 Florensia St. Barangay Perez, Meycauayan, Bulacan."

"Got it! Thank you." Tiniklop ko yang papel na sinulatan ko, at nilagay ko sa aking bulsa.

"Wait. Pupunta mo yang address na 'yan?"

"Yes."

"Sasamahan na kita, hindi pwedeng mag-isa ka lang, mahirap na, let's go!" Kinuha niya ang coat niya na nakasabit sa likod ng pintuan, and he went outside. Wala akong nagawa kundi sundan na lang siya.

--

"Tao po!" Nakailang katok na rin ako. Dama ko ang sikat ng araw. Ala-una na ng hapon.

"Sino ba 'yan ha?" Sabay bukas ng gate nila.

"Hello po. Ako po si Troy, siya naman po si Rosa." Ngumiti ako sa matanda.

"Ano bang sadya niyo? Importante ba?"

"Opo, dito po ba nakatira si Amelia Suarez?"

"Bakit? Nakita niyo na ba ang anak ko? Hindi ko alam kung patay na ba siya o buhay pa!" Napahagulgol siya! Kumapit siya sa akin kasi para na siyang matutumba, inalalayan namin siya hanggang sa makapasok sa loob ng bahay.

"Missing pa rin po siya, wala pa kaming lead kung saan siya matatagpuan." Malungkot na sabi ni Troy.

"Limang buwan na siyang nawawala. Siya pa naman ang nag-iisang anak ko, ganito pa ang nangyari sa kanya." Patuloy pa rin siyang umiiyak habang hinahagod ko ang likod niya.

"Bago po siya nawala, may sinabi po ba siya sa inyo? Or may kakaiba po ba siyang naranasan?"

"Tuwing umuuwi raw siya galing sa trabaho, parang may sumusunod daw sa kanya. Simula noon, natakot na siyang matulog mag-isa sa kwarto kaya sinasamahan ko siya." Nagkatinginan kami ni Troy.

"Sige po. We're trying our best para makita ang anak niyo."

--

"Gusto ko siyang makita." I really want to see him even just for a minute.

"Si Alex?"

Tumango ako at nagsimula na siyang magmaneho.

"Ayaw mo ba talaga magpakita sa kanya?"

"I can't, not now." Pinagmamasdan ko lang ang asawa ko mula sa malayo. Nasa kabilang kalsada lang kami ng kompanya namin. May mga kausap siyang mga tao sa lobby. Nagsulat ako sa isang kapirasong papel.

"Alex, I'm in good hands right now. Don't worry about me. I missed you, so much. See you soon. No matter what happens, remember that I love you with all my heart." -Your wife.

"I want you to give this to him. Thanks Troy." Ngumiti lang siya at lumabas ng kotse. Nakita ko siya na may kinausap siyang staff then binigay niya iyon. Nakita kong inabot nga ng isa sa mga staffs ang papel na para kay Alex, ilang minuto, tumayo siya, at lumabas ng building. Tumakbo siya sa banda samin, hindi niya kami kita kasi tinted ang salamin ng kotse ni Troy. Lumingon-lingon siya. Ramdam ko ang pag-alala sa ekspresyon pa lang ng mukha niya. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko.

"A-alis na tayo." Sa huling pagkakataon, tinignan ko si Alex. Bumaling ang pansin niya noong umandar ang kotseng sinasakyan namin. Alam ko kung ano iniisip niya.

"W-wag." Pero maririnig ba niya ko? Tumakbo na siya. Hinahabol niya kami. Anong magagawa ko? Hanggang kailan ko ba titiisin ang sakit na malayo muli sa kanya? Hindi pa pwede. Hindi pa maayos ang lahat. Saka ako humarap na sa daan. I have to be strong.

"Bi-bilisan mo pa mag-drive."

"You're crying. Here." Sabi niya, sabay abot ng puting panyo. I took it. Tapos nagsalita siya ulit. "What you did was right."

--

"Thanks, again."

"Don't mention it. Take some rest. May hahanapin pa tayo bukas. Goodnight."

Pumasok na ako sa apartment na tinutuluyan ko. Humiga ako sa kama, hindi ko na rin nagawang magpalit pa ng damit, at dahil sa pagod nakaramdam ako agad ng antok.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon