Prologue

22.4K 353 40
                                    

My parents died two years ago in a car accident. The La Rosa Flower Shop is all I have. I inherited it from them. Iyon lang talaga ang naiwang ala-ala ng mga magulang ko sa akin.

Ayos naman ang naging pagpapatakbo ng shop ko hanggang ngayon, dahil tinutulungan ako ng assistant 'kong si Daisy. Masaya ako kasi nanatili siya sa aking tabi.

I'm just a typical girl. A jolly person outside. Pero sa kabila ng ngiti at saya ko mayroon akong tinatagong lungkot, lungkot na hindi ko alam kung kailan matatapos. Mga hinaing at pagtataka.

I'm married to Alex Zuellig Cha. Businessman. Owner of Zuellig building in Makati. It was a fixed marriage. Wala naman akong magawa kaya mas pinili 'kong wag na lang tumutol.

Sa two years na pagsasama namin ni Alex natutunan ko siyang mahalin. Pero mukhang one-sided love lang iyon. Wala akong nararamdaman na pagmamahal mula sa kanya. Ni hindi man lang niya ko matignan nang matagal, kahit isang minuto man lang, ni bigyan ng goodnight kiss kahit sa noo lang, wala. We sleep together, nothing more.

Kakausapin lang niya ko kapag sasagot siya sa tinanong ko. Ang tipid pang sumagot. Para siyang pangarap na kailanman di ko maaabot. Para siyang yelo na sobrang lamig. Masakit.

Hanggang kailan ako mag-hihintay para mahalin niya ako?

May pag-asa kaya akong sumaya sa piling niya?

Paano kung iyong hinihintay 'kong pagmamahal ay iba ang tumugon?

Isang pagmamahal na kapag sumobra ay magiging mapanganib?

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon