My instant boyfriend

1.3K 21 16
                                    

July 24, 2014

Hi guys! Pinost ko ito dahil sa isa kong nabasa na post sa fb na suuupeeer nakakakilig! Okay fine. Dalawa ang POV nito dahil 'yung isa ay sa boy at 'yung isa naman ay kay girl, obviously.

__________________________

"You fall for the most unexpected person at the most unexpected time."

Him

"Sige, uuwi na ako! Uulan ata." sigaw ko sa mga kaibigan ko habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep.

"Ingat!" sigaw nila pabalik kaya huminto ako sa paglalakad at tumingin sakanila na tumatawa.

"Mag-ingat sila sa inyo mga gago." sabay sakay ng jeep. Sumakay ako sa pinakadulo dahil tatlo lang kaming pasahero. Isa sa tabi ng driver, isa sa likod ng driver at ako. 'Yung totoo anong meron sa driver? Close ba silang tatlo?

Nagbayad na ako saka ult bumalik sa pwesto ko. Nagsimula ng umandar 'yung jeep ng may sumigaw.

"MANONG, PASAKAY PO!" agad akong napatingin sa babae na naka-uniform. Tae! Ang ganda naman niya! Sabog ang buhok at basa na dahil nagsimula ng umulan at wala siyang payong. Mainggat siyang sumakay sa jeep dahil nakapalda siya. Freshmen siguro dahil wala pang ID pero HRM ang course.

Nakatingin lang ako sakanya habang naka-earphone siya at nakasandal ang ulo. Nasa tapat ko kasi siya umupo pero nagulat ako nang bigla siyang dumilat. Nagkatinginan kami at agad akong napaiwas. Tngina! Nakakailang! Narinig ko siyang nagbayad kaya hindi muna ako tumingin dahil nga magkatapat lang kami kaya halatang-halata kung titingin ako sakanya. Kinuha ko na lang ang iPOD ko saka rin nagsoundtrip at kunwaring nakatingin sa labas. 

Pero pagtapos ata ng 10 minuto hindi rin ako nakatiis at tumingin ako sakanya pero nakita kong natutulog na siya. Ang cute ng pisngi niyang namumula at medyo mataba. Tiningnan ko lang siya habang natutulog siya. Narinig ko kanina na parehas lang pala kami ng bababaan. 

May sumakay na tatlong lalake na galing sa ibang school at isang matandang babae. Tumabi sakin 'yung matandang babae habang tumabi naman 'yung tatlong mukhang adik kay ateng cute. Sa luwag ng jeep bakit kailangan pa nilang sisikin si ate? Hindi ko alam kung kunsesya ko ba iyon o ano pero pakiramdam ko kailangan meron akong gawin para hindi siya mabstos lalo na at ang dali lang niyang nakawan at hawakan.

Nakita kong nagngingisian sila nung mga kasama niya at ang ligalig ng kilos nung lalake na katabi ni ate. May kukunin sa bag, sa bulsa, aayusin ang polo at kung ano-ano pang kagaguhan. Naiinis na tinginan ko siya ng masama pero hindi ako pinansin at doon ko nalaman na pasimple niya na palang binabastos si ate! Tinanggal ko ang isa kong earphone saka marahan na sinagi ang paa ni ate pero hindi parin natinag sa tulog niya. Tulog mantika pala si ateng cute.

Wala na akong maisip na ibang paraan kaya nung huminto 'yung jeep sa isang stoplight 

"Excuse me." sabi ko doon sa lalakeng manyak na katabi ni ate. Hindi siya umusog kaya pinagkasya ko na lang ang sarili ko at pumagitna sakanilang dalawa. Nakita kong lahat sila ay nakatingin sakin at mukhang naweiruhan sa ginawa ko kaya nilabas ko 'yung pamaypay ko mula sa bag saka pinaypayan si ate. Sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko dahil nauuntog na siya sa bakal na nasa tabi niya. Natawa na lang ako sa sarili ko dahil feeling close ako pero mas maigi na ito kesa naman hayaan kong bastusin siya nung adik na 'yun!

Naramdaman ko namang medyo umusog 'yung gago kaya napatingin ako sakanya ng masama.

"Gago minamanyak mo girlfriend ko." mahinang sabi ko pero pinatalim ko ang boses ko. Nakita ko namang nagulat siya atsaka bumaba agad sa sumunod na kanto kasama ang mga tropa niya.

Naramdaman kong medyo naalimpungatan siya kaya nung inangay niya ang ulo niya medyo lumayo ako saka tumingin sa bintana. Tae! Kninakabahan ako!

"Para po." narinig kong sabi niya kaya napatingin ako kung nasaan na kami at napangiti na lang ako ng lihim ng parehas pala kami ng bababaan. Buti na lang hindi na umuulan.

Pinauna ko siyang bumaba saka rin ako bumaba. Ano bang binti meron siya at ang bilis niya naman maglakad? Wait lang Ms Cutie from HRM.

Her

Inaantok na ako kaya binilisan ko ang lakad. Buti na lang at sakto ang paggising ko pero nung natutulog ako sa jeep ang sarap ng pakiramdam. Parang may komportable at.... basta! Ang weird!

Agad akong sumakay ng tricycle. Ako ang unang sakay kaya ako ang nasa dulo. Inaantok na talaga ako kaya kumanta na lang muna ako

"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling at sa tuwig ikaw ay...." hindi ko na natuloy ang kinakanta ko dahil may sumakay na lalake sa tricycle. Wait! Eto 'yung cute na lalake na nasa harapan ko na biglang naging nasa tabi ko. Nagulat ako ng nakatulog lang ako nasa tabi ko na siya pero okay lang kasi cute naman siya.

Sumakay siya at nagulat ako ng ngumiti siya sakin. Hindi na ako nakapagreact agad sa gulat ko. Gosh!

"Kuya, pwede ka ba sa likod?" tanong nung tricycle driver dahil meron pa lang sasakay na isang matandang babae. Hindi na siya sumagot at lumipat na lang siya. Hindi ko alam pero parang bigla akong nalungkot. 

Umandar na 'yung tricycle at nakatingin lang ako sa bintana na nasa tabi ko. Nakikita ko ang likod niya at hindi ko mapigilan na mapangiti. Nagulat ako ng pagtapos ng tulay huminto na ang tricycle at bumaba na siya. Hala! Bakit ang bilis naman? Hindi ko na siya makakatabi? Bakit? Isa nanaman ba siya sa taong hindi ko na ulit makikita?

Nakatingin lang ako sa bintana at nakita ko ang kamay niya habang may hawak na parang papel o baka naman iyon 'yung bayad niya kasi hindi parin kami umaalis. Sinusuklian pa ata siya o baka naman buo ang bayad niya at walang pamalit si kuyang driver. Ewan ko. Hindi ko alam. Nakatingin lang ako sa kamay niya hanggang mag-start na ang tricycle at nagulat ako ng biglang lumusot ang kamay niya sa butas sa gilid ng tricycle saka may pinatong na papel sa bag ko. Umandar na ang tricycle at kinakabahan na tiningnan ko ang nakalagay sa papel.

Hi Ms. Cutie na tulog mantika sa jeep. 0916******* =))

Ang bilis ng tibok ng puso ko pero agad din itong napahinto ng magsalita si nanay na nasa tabi ko.

"Napakasweet naman ng boyfriend mo hija. Kanina rin sa jeep pinagtanggol ka doon sa mga bastos na lalake habang natutulog ka. Pinaypayan at pinatulog ka pa niya sa balikat niya." nakangiting sabi ni manang at hindi ko alam pero pagbaba na pagbaba ko nagpa-load agad ako saka ko tinext si Mr. Gentleman.

__________________

OMG! Hahahaha! Half of the sory ay naranasan ni Ms. Author kaya sa sobrang kilig niya hindi niya na mapagilan na i-share. Please leave a comment and vote narin! God bless!

Just the start (One-shot compilations)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon