Broken Glass

3.1K 91 41
                                    

Lilian held two pink gowns in front of her, one a halter necked fucshia, the other a baby pink spaghetti strapped ballgown.  She put one against her body and then the other as she peered at herself in the mirror.  She noticed Adela just boredly looking through the rack of formal gowns, and she frowned.

"Best, ano sa tingin mo?  Anong mas bagay sa akin?"

"Kahit ano, babagay sa yo," Adela said softly.

"I know, given na yan, pero syempre I need your opinion," Lilian smiled.

"Um, maputi ka naman so siguro yung fuschia na lang."

"Yan din ang naisip ko pero baka ayaw naman mag-fuschia ni Derek..."

"For sure mapipilit mo naman yun sa kung anong gusto mong mangyari eh..."

Lilian put the baby pink ballgown back on the rack and stopped Adela from pushing hanger after hanger of gowns.  "Best, may napili ka na ba?"

"Actually, wala pa."

"Ano ka ba?  Hindi ka ba excited?"

"Siguro susuutin ko na lang yung gown na sinuot kong pang-abay before.  One time ko lang naman nasuot yun..."

"No way," kumontra si Lilian sa sinabi nya.  "Ano ka ba, this is prom!  Hindi ka ba excited?"

"I don't know...sa totoo lang, parang ayoko ngang pumunta eh."

"Ano?!" Lilian screamed, clearly scandalized.  

"Yeah, feeling ko mabo-bored lang ako dun."

"No, it will be fun," pinilit ni Lilian i-cheer up ang kanyang kaibigan.  "You'll be with Papa Geoff, and you will dance the night away..."

"I'm not going with Geoff."

"Huh?"

"Yeah, nag-volunteer akong magpicture for the paper, kaya yun...si Marco ang ka-date ko."

"Wait, what?!  Asan ako ng nangyari ang lahat ng to?"

Adela laughed.  "Busy ka sa boyfriend mo."

"Ada, teka.  Tapatin mo nga ako.  May problema ba kayo ni Geoff?  Napapansin ko kasi na sya na lang naman talaga ang nageeffort eh.  Oo, dinadalhan mo pa rin sya ng pagkain and lagi pa rin kayong magkasama, pero sya lang naman ang malambing.  Kala ko kasi over the honeymoon stage na kayo ng relationship nyo, pero parang ang bilis nyo naman na-get over yun.  Wala pa nga kayong isang taon..."

"Wala naman kaming problema..."

"Ada, huwag mo nga akong ineechos.  Nung nasa Singapore ka, nagtanong si Geoff sa akin kung may alam daw ba ako kung may problema ka sa kanya.  Syempre sabi ko wala naman akong alam, pero ngayon parang nagsi-sink in na ang lahat."

Begin Again #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon