Bersikulo Disisais: Si Hillary

197 14 7
                                    

HER HEART

Malulusog at nangangalandakang eyebags ang sumalubong sa akin ngayong umaga.

Waaaaaaaaaah. T_T Nakakasira ng beauty.

Dibale maganda pa din naman ako.

Ginawa ko pa kasi yung assignment namin sa isang major subject kagabi. Kaya ayun. Medyo nakakaloka.

Nakahiga pa din ako sa higaan naming matigas at inalala ko ang nangyari kahapon: Hillary, Nero, Logan, Dragon, Pudra, Tanda, Jacob. Parang teleserye sa sobrang haba at drama.

Masyadong madami. Siguro kung walang wifi ang utak ko nabaliw nako. Ang hirap maprocess eh.

Wait. Susunduin ba ko ni Hillary ngayon? Aba malamang hindi. Pagkatapos nung parang pagtataboy ko. Hmmm. Medyo nagsisisi na tuloy ako. Joke lang. hindi naman ako manggagamit nu.

Pagkatapos ko magdasal para sa araw na ito, ginawa ko na ang daily routine ko. Ano pa? Edi ang pagsigaw ng bongga.

*Drammaticaly open the windows

"GOODMORNING BARANGGAY MABUNGANGA!^^" -ako

Ineexpect ko na si tandang Losyo na bumati.................. kaso, hindi eh.

Halaaaaa. Asan siya? Nilibot ko ang paningin ko para hanapin siya ngunit isang kotse ang nakita ko sa harap ng bahay namin.

KOTSE NI HILLARY?

Sa gilid nito nakatayo ang isang babaeng nakapants at blouse. Medyo pamilyar, kaso nalilito ako. May kakambal ba siya?

Wala siyang make up. Walang kolerete sa mukha. Wala ding............

"What the hell was that about George?"

Maarte pa din pala ang boses niya. Ok. Si Hillary pa din yun.

"Ah-eh Bat ka andito?"

Parang Romeo and Juliet ang peg namin. Nasa bintana ako nasa baba siya. Haha.

6:17 palang bat andito na siya? Masyadong maaga. Nakakapagtaka mga kaibigan.

"Basta."

Basta daw? Mukha niya!

"Ge. Pasok ka muna sa bahay."

Tapos tumalikod nako baka kasi makita pa niya muta ko sa mata eh. Hahaha.

Bumaba ako tapos nagtoothbrush muna ako bago ko binuksan yung pinto. Mahirap na, baka maamoy pa niya. Haha.

Pinapasok ko siya pero hindi ko siya kinausap. Hindi ko pa din tinignan yung mukha niya. Mamaya nalang lahat ng mga tanong ko. Di pako ready eh.

Agad akong umakyat at naligo. Si Kimpoy ang magluluto ng almusal ngayon kaya ndi ako magmamadali. Hayaan niyong maghintay si Clown. Ay. Hindi na pala siya Clown ngayon. Anyare kaya?

Mga after 30 minutes. Ready nako. Nadatnan ko sa baba si Kimpoy na kausap si Clown.

"Tsaka alam mo ba ate Hillary si ate kinakain ang kulangot niya. Tapos........."

Putik na bata.

"Hoy Kimpoy baboy, manahimik ka diyan!" Syempre sumigaw ako.

AKO KUMAKAIN NG KULANGOT!? Abamatinde! Pucha hindi ah!

Niloko ko lang siya nun. Trick ko lang yun dati naniwala naman.

"Is it true na you eat boger?"

Ugh. Buset.

"No."

Napaenglish tuloy ako. Eh seryoso kasi ako.

His Brain VS. Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon