Bersikulo Otso: Thy wind

217 15 7
                                    

HERPOV

Panibagong umaga. Panibagong araw.

"MAGANDANG UMAAAAAAGAAA BARANGAY MABUNGANGAAAAAA!"

Tinagalog ko naman yung bati ko ngayon para di sila magsawa sa Good morning ko. HAHAHA.

Oo nga pala. Mabunganga yung pangalan ng Barangay namin. Astig diba? Bagay na bagay sakin. Meant to be kami.

Pupunta ako sa isang school ngayon. Ops. Lilinawin ko lang. Hindi sa PBA, kundi sa isang elementary school. May bibigay lang ulit akong project.

Napagdesisyunan kong di ako pupunta sa PBA para sabihin yung sagot ko sa matandang yun.

Masyado kasing mababaw at wala din akong makitang dahilan kung bakit kailangan ko pang pumunta doon. Pagkatapos kong sabihin ang sagot ko, anong mangyayari? See? There's no point at all. Magsasayang lang ako ng oras at ng panahon, at higit sa lahat ng aking pamasahe.

*Vibrate.

May nagtext. Infairness. Ang aga ah. Sino kaya to? Yung cellphone ko pala ay may basag na sa screen. Yung tipong kelangan talaga ng talino at common sense para maintindihan yung text. Ilang beses na din kasing nahulog to, pero iniingat ingatan ko yan. Kasi pinag-ipunan ko talaga yan . Kahit napakamura niyan, ang importante may magamit ako. Yan kasi kinokontak nila pag may raket ako.

Nakwento ko na't lahat lahat ang history ng cellphone di ko pa din nababasa yung text. Hahaha. Ito na.

Sender: 0916*******

"George?May papagawa sana akong isang article, bukas ang deadline. Ayos lang ba?"

Aba aba! May raket ako agad. Kaso, bukas daw. May trabaho ako ng alas nwebe ngayon eh. Kaya ba? Hmmm. Oo. Ako pa, matalino ako eh. May angal ka?

Nagreply ako. At dahil regular load lang ang load ko. Sinagad ko na ang text ko. Tipid tipid din ang dukha pag may time.

"Sige.May pupuntahan ako ng alas nwebe kaya kung pwede magkita tayo ngayon.Kailangan ko din ng deposit. Magkano ba ibabayad mo? Itext mo na lahat ng detalye. Wala akong load. :)))"

*sent!

Nagreply naman agad ang costumer ko. NAKS! Ang bilis ah.

Sender: 0916*******

"5K pwede na?15-20pages lang naman. Sasabihin ko nalang yung topic sa pagkikita natin ngayon. Kita tayo sa 7/11 sa Millora @ 8am. Nakapula ako."

Pakshet! 5 thousand para sa isang article lang? Aba matindi! Sunggaban na natin agad ito. Nagreply naman ako agad.

"Ok."

His Brain VS. Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon