Bersikulo Kinse: Si Jacob

202 11 3
                                    

HER HEART

Tatlong klase pa ang sumunod pagkatapos nung Lunch. And I'll tell you this, nakakapagod sa utak.

Nakakatakot din kasi kailangan ko pang humabol sa mga lessons dahil nga halos isang buwan na silang nagsimula sa klase at ako, kakapasok ko palang. Dagdag pa ang pressure na lahat kami matatalino. Eh sino ba namang hindi mabibigla na sa tuwing tatawagin ang isang student eh daig pa ang SONA ng presidente sa pagexplain.

Mapapanganga ka nalang eh. Eh dati nung hayskul, madami pa ngang nanginginig at napapahiya dahil walang maisagot samin. Hahaha.

Sa PBA, pati mga prof dapat matatalino kaya pala mga dating estudyante din sila ng PBA. Pati si tanda estudyante din dati. Pagmamayari pala ng mga greatgreat ninuno nila.

Hindi naman sa nagsisisi akong nagaral ako muli, kaso syempre nakakapanibago lang talaga.

Si Hillary naman, ndi na pumasok after nung lunch. Mukhang may pinuntahan nga. O baka galit sakin?

Naku. Mahirap ispelingin ng babaeng yun.

Andito pala ako sa Coffee Shop ngayon para sa part time ko. Cute ulit yung suot ko ngayon, parang sailor moon style. Haha. Maikli yung palda kaya medyo kita ang mga legs ko. Hahaha. Ayos lang! May maipagmamalaki naman ako.

Madami nakong naging costumer. So far so good. Walang mataray. Tss. Subukan nila ngayon at ng matikman nila ang mood swings ko.

Magaalas onse na at wala ng mga costumer, nagpapack-up na din kami, kaso biglang may pumasok pang isang customer ata. Nakakainis. Nagreready na nga ako eh.

Kahit labag sa loob ko, ngumiti ako. Pagkatingin ko naman sa kanya...............medyo pamilyar.

Hmmmmmmm.

Pucha! Siya yung lalaking nakared sa 7/11 nung Lunes. Yung nagsabing maganda ako. HAHAHAHA.

Kaso, pasuray suray siyang maglakad. Lasing ata to. Naku naku! Bad boy.

"Goodeven-----."

Hindi pako tapos magsalita, nagsalita na siya.

"I want coffee."

May accent nga siya. Parang american ata. Matangos din masyado ung ilong kaya obvious na half-half.

Nakapikit yung mata niya habang nakasandal sa counter. Masyado siyang hot. Hindi kinakaya ng beauty ko.

Magulo yung buhok, medyo rugged ang look, nakablack na leather jacket at..................

"Miss, I want my damn coffee!"

Ay putik! Parang nagising ako. Ano na ulit nangyayari?

Ah oo. Kape.

Nakalimutan ko na agad trabaho ko. Ang gwapo kasi eh.

"What kind, Sir?"  hindi ko pa din inaalis tingin ko sa kanya. Nakapikit naman siya eh, kaya di niya yan makikita. Abuso ba.

"Serve whatever you like." Then tumalikod na siya at naglakad.

Yung paglakad niya medyo siga o baka dahil lang siya?

Tapos bigla siyang tumigil at nagsalita.

"You're staring at me, right?"

SHET NA MALAGKET. O_O

Paano niya nalaman yun? Diba nakapikit siya. Ugh! Nakakahiya times 100.

Sasagot sana ako kaso nakaupo at sumalampak na siya sa isang upuan. Haaay buti naman.

His Brain VS. Her HeartWhere stories live. Discover now