Chinito ♥

523 32 15
                                    

Mata mong singkit,

Na kung tumingin ay malagkit,

Sa tuwing ikaw ay napapalapit,

Ang kilig ko ay umaabot hanggang langit.

Oo tayo’y magkakilala,

Ngunit ‘di gaya ng sa iba,

Nag-uusap nga tayong dalawa,

Pero dahil lang yun sa may kailangan ka.

Masakit man pero yun ang totoo,

Tatanggapin ko dahil ikaw ay crush ko,

Kahit ano pa ang gawin mo,

Ikaw pa rin ang nag- iisa kong chinito.

Mapapansin mo pa kaya ako?

Kahit na hindi mo na kailangan ang tulong ko?

Huwag naman sanang maging ganoon,

Para puso ko ay tuluyan pang tumalon.

Lumipas na ang mga araw,

Paghanga ko sayo ay patuloy na umaapaw,

Sana ay mapalapit tayo aking sinta,

Oh, chinitong aking laging nakikita.

Sa bawat pagsulyap na aking ginagawa,

Masasaya mong mata ang aking nakikita,

Nakakawala ng pagod at pangamba,

Na naghahatid naman ng pag- asa’t saya.

Lagi mong isipin aking chinito,

Na para lang sayo ang aking puso.

Nandito lang ako parati sa tabi mo,

Hinding- hindi ka pababayaaan at lalayo.

Poems From The HeartOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz