Ikaw

224 19 9
                                    

Minsan ng napaglaruan,

Nakaranas ng ligayang panandalian,

Nasaktan at hinusgahan ng karamihan,

Kaya nagpapakatatag ng puso'y di na muling masugatan.

Aaminin ko na minsa'y naging makasarili,

Sa kagustuhan sumilay muli ang dating ngiti,

Kaya ngayo'y nagiging mapili,

Nang sa ganon ay mabuti ang aking mahuli.

Di naglaon ako ay nahulog sa iyo,

Sa taglay mong ugali ay talagang totoo,

Desisyon kong walang makakapagpabago,

Yun ay ang mahalin ka ng todo- todo.

Ikaw na nagbigay lakas,

Saradong puso ay iyong ibinukas,

Luha at sakit ay iyong tinanggal,

Kaya wala akong takot na muling sumugal.

Pighati na noon ay gusting mawala,

Tinanggal mo iyon na parang bula,

Mamahalin kita ngayon, bukas o kahit walang sawa,

Huwag na huwag mo lang akong ipapangalawa.

Poems From The HeartWhere stories live. Discover now