Tingin

140 7 2
                                    

Mga tingin mong malagkit,

Na tila ba nang-aakit.

Pero sa totoo ikaw na ay nagngingitngit,

Dahil sa tinatago mong galit.


Hindi ko alam kung anong nagawa,

Ng isang tulad ko sa iyo kapwa.

Maaari mo bang ipaunawa,

Ang ibig sabihin ng tingin mong masagwa?


Sinubukan kong hindi ito pansinin,

Dahil sa ako'y natatakot sa mga mata mong malalim,

Ipinagsawalang bahala na rin ang mga nakaw mong tingin,

Dahil baka ang aking paningin ay tuluyan ng magdilim.


Ngunit nagpatuloy pa rin ang iyong gawain,

kaya napagpasyahan ko na ikaw na ay kausapin,

Ngunit bago ang lahat ako muna ay sumailalim,

Sa iyong kaibigan na alam ang tunay mong lihim.


Aking hiningi ang kanyang opinyon,

Ukol sa tingin mo na parang nanghahamon.

Aaminin ko na ako'y walang laban,

Lalo na sa tulad mong patalikod kung gumawa ng hakbang.


Nang malaman ang tunay mong pagkatao,

Parang nanlumo ang aking mundo,

Hindi ko inaasahan na ayun pala ang totoo,

Na dinaig mo pa ang plastik sa pakikipaglaro mo.


Hindi na nga kita hinarap at kinausap pa,

Dahil baka peke nga ang iyong ipakita,

Kahit na ganun ipinagpatuloy mo pa,

Ang pakikipagplastikan sa akin ng bongga.


Ni hindi na nga ako nagsasalita,

At iniwasan ka na rin ng sobra.

At huwag mo ng antayin na ito ay akin pang magawa,

Baka kasi hindi mo magustuhan ang ilalabas ng aking dila.


Naway kapwa itigil na ang ganyang gawa,

Para buhay natin ay parehong guminhawa.

Mas okay sana kung may dalang saya ang iyong tingin,

Dahil baka isama pa kita sa masaya kong panalangin.

Poems From The HeartWhere stories live. Discover now