Huling Tula

21 1 0
                                    

Ang mga ngiti mo't mahihigpit na yakap
Ang siyang gusto kong baunin sa hinaharap
Magagandang salitang inilalabas ng yong labi
Ang siyang gustung-gusto kong marinig sa gabi.

Ngunit magmula ngayon ay di na pwede pang mangyari
Sapagkat ito na ang huling kong pananatili.
Mga pusong minsang nang pinagtabi
Na ngayon ay tila nalilihis ng gawi.

Ito na ang huling tulang gagawin ko sayo mahal
Tula ng isang babaeng nagpapaalam
Tula ng isang babaeng gusto ka ng kalimutan
At tula ng isang pag-ibig na hindi pala pangmatagalan..

Dito sa tulang ito ibubuhos ko ang naitagong sakit ng nakaraan
Mga sakit at luha na hindi ko nailabas noon pa man
Mga pambabaliwala mo sakin na pilit pinagtatakpan
Kaya patawad, mali, kaya salamat dahil nauntog na ako sa katotohanan.

Naalala ko nun ng minsang gusto kong isayaw mo ako
Tumanggi ka kasi masakit ang mga paa mo
Nalungkot ako pero pilit ngumingiti sa harap ng mga tao
Masakit mareject lalo na ng taong gusto mo.

Mahal, patawarin mo sana ako sa mga kapraningang nagawa ko noon
At pinapatawad na kita sa di mo pagsasalita hanggang ngayon.
Patawad din mahal sa mga luha na walang tigil sa pag agos sa aking mga mata
At kasabay nun ang pagpapatawad ko sa iyong pambabalewala

Nakakatuwang isipin na ito pala ang unang tula na ginawa ko para sayo
Ilalagay ko sana ang mga masasayang alaala na nabuo ko
Na ginawa natin nung mga panahong tayo'y nagagalak sa tuwa
Na ngayo'y pinaglayo na ng tinatawag na tadhana.

At nanakulungkot tanggapin na ito na rin pala ang huling tula ko sayo mahal
Ang huling tula kung saan huli na ang pagtawag sayo ng salitang mahal
Hindi na ikaw ang magiging paksa ng buhay ko, at yun ay totoo
Kasi ngayon tutuldukan ko na ang mga naudlot nating kwento.

Masarap balikan ang mga masasayang alaala
Kung saan wala tayong iniintinding mga problema
Ngunit di lahat ng bagay ay pangmatagalan
Kasi merong salitang katapusan at hangganan.

Ito na ang huling tula ko na para sayo
Tula ng pagpapalam ng isang babaeng nagpakatanga noon
Ng isang babaeng mas matapang pa sayo ngayon
At ng isang babaeng handang makipagsapalaran muli sa mga darating na bagyo

Poems From The HeartWhere stories live. Discover now