Awkward

541 35 16
                                    

Nakita ko na ika'y nakatingin,

Pero nung una hindi ko pinansin,

Isinawalang bahala ang pagtingin na lihim,

Baka paningin ko sayo'y magdilim.


Sinabi ko sa aking mga kaibigan,

Baka ako'y bigyan ng payong tuwiran,

Ngunit ako ay nagkamali,

Inasar pa ako at saka tumili.


Magmula noon inaasar na nila ako,

Lalo na kapag dumadaan ka sa tabi ko,

Kaya hindi rin kita makasundo,

Sapagkat awkward na ang nararamdaman ko.


Nahihiya ako kapag nandyan ka na,

Imbis na matuwa, inis ang nadarama,

Ayoko kase sa mga ganyang gawa,

Pagkat awkwardness ang aking nakukuha.


Pasensya na kung ako man ay ganito,

Pagkat hindi lang sanay ang sarili ko,

Ang mga ganyang gawain at akto,

Ang mga kinaiinisan ko sa mundong ito.


Ang mga gawain ay iyo munang pag- isipan,

Bago gumawa ng hakbang kailanman,

Kaya sana ay iyo ng tigilan,

Para awkwardness ko ay mawala ng lubusan.

Poems From The HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя