Chapter 22

518 21 0
                                    


Mace's PoV

Nandito ako ngayon sa sasakyan ni Heaven kasama siya. Ang sabi ng gwapo na masungit-na-doctor ayon kay Heaven na Pwede na akong umuwi ngayon. It's already 3pm and I am hungry because I didn't eat lunch. Napagpasyahan namin ni Heaven na umuwi muna at doon nalang sa amin kumain ng meryenda. Sakto naman dahil hindi ko pa pala nauubos iyong sandwich na bigay ni Travis. Hindi ko din alam kung okay pa ba iyon, pero sana okay pa. Dahil kung hindi pa okay iyon ay kawawa naman kami. Wala kaming makain, hindi naman sa wala kaming pag kain sa bahay iyon lamang ay hindi ako marunong magluto maliban sa bacon at ham.

Ilang minuto nalang ay makakarating na kami sa aming bahay. Sana ay nandoon na si Mama. Isa din kasi iyon sa iniisip ko, baka kung napaano na siya. Balak ko sanang puntahan siya pagkatapos ng klase ko ngunit mayroong nangyari na hindi ko inaasahan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa Mama ko pero sana ay nasa maayos siyang lagay. Hindi naman sa nagiisip ako ng masama ngunit iyon ang pumapasok sa isip ko eh.

Isa din sa iniisip ko ngayon ay kung paano na ang quiz namin ngayon. Strict pa naman ang prof namin doon. Sana lang ay payagan kaming mag special quiz bukas. Namimiss ko na din ang school, pati na rin si Travis. Oo namimiss ko siya. Gusto ko siyang makita. Mahal ko na ata eh. Sana ganoon din siya sa akin.

"Mace ang lalim ng iniisip mo ah. Nandito na tayo sa bahay niyo. " rinig kong sabi ni Heaven.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. Tama nga siya, malalim nga ang iniisip ko. Marami akong iniisip ngayon tulad nalang ng pagliban niya sa araw na ito sa paaralan.

"Thank you Heaven for taking care of me this day. " sabi ko habang pumapasok kami sa loob ng bahay.

Agad siyang umupo sa upuan na lagi niyang inuupuan kung pupunta siya dito. Oo may sarili siyang upuan dito. Lagi silang nagkakasundo ni Mama kaya para na ring anak ang turing sa kaniya ni Mama.

Ako naman ay dumiretso sa kusina. Kukunin ko lang ang sandwich ni Travis para mainit ko at makain na namin. Galing kasi iyon sa Fridge. Tinignan ko muna kung pwede pa bang kainin o hindi ba ito nasira. Hindi naman ito nasira, masarap pa rin. It is so delicious that's why this is one of my Favorite food. Matapos kong initin ang Sandwich ay nilagay ko na ito sa plato at pumunta na ako sa sala kung saan naroon si Heaven naka upo.

"Heaven, meryenda muna tayo. " sabi ko na dahilan upang lumingon siya sa gawi ko. Umupo ako sa kaharap niyang sofa bago kumuha ng sandwich.

"Thanks. Ang bilis mo naman atang makagawa ng sandwich. " ang sabi niya na ikinatigil ko naman sa pag subo.

"Ah, ito yung bigay ni Travis. Naalala mo? " sagot ko naman at sumubo na ng sandwich.

"Huh? Eh diba kahapon pa yon. Baka sira na ito? " sabi niya naman tsaka tinignan ang loob ng sandwich. "Ito pa La yung favorite sandwich mo?" dagdag niya.

"Ah oo. Hindi pa naman siya sira, mas lalo ngang sumarap eh. Tikman mo. " ang sagot ko bago sumubo ulit ng sandwich.

"Siguro mas masarap Mace kung cheese lang iyong ilalagay mo. Ang ano kaya ng lasa. "Suhestyon niya.

"Mas masarap kung ganito Heaven. Mas maraming laman mas masarap." sabi ko naman. "Heaven, may sasabihin sana ako sa'yo. "

"Hmm, ano 'yon?"tumingin siya sa akin habang patuloy na kinakagat ang sandwich na tinanggalan niya ng bacon at ham.

"K-kasi si Mama hindi pa siya umuuwi. Nag-aalala na ako sa kaniya. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. " sabi ko naman.

Bigla naman siyang napatigil sa pag nguya at para bang kinakabahan siya.

Ano kayang nangyari kay Heaven. Bakit biglang nagbago ang mood niya?

'B-ba-baka n-naman m-may pinuntahan l-lang. "Sabi niya na hindi makatingin sa akin.

Bakit ba siya nauutal? Baka masama ang pakiramdam niya? Ngunit parang kanina lang ay okay pa siya.

"Masama ba ang pakiramdam mo? Bakit ka nauutal? "Sabi ko habang kinakapa ang noo niya kung mainit ba ito?

Ngunit hindi naman, sa katunayan nga ay nanlalamig siya. Ano kayang problema?

"Hindi ka naman mainit. Ang totoo niyang ay malamig ka pero pinagpapawisan ka. Ano ba talaga ang problema Heaven? " sabi ko habang may pag aalala.

Baka iba na ang nararamdaman niya. Baka dahil ito sa sandwich ngunit hindi pa naman masama ang lasa ng sandwich.

"A-ayos lang a-ako. B-bigla lang sumama pakiramdam ko. P-pwede na ba akong umuwi Mace? "
Ang sabi niya, habang nakahawak sa sentido niya.

Siguro nga ay masama ang pakiramdam niya. Baka dahil nalipasan siya ng gutom kanina.

"Osige. Mag ingat ka huh? Pagaling ka, para makapasok tayo bukas" ang sabi ko sa kaniya habang lumalabas kami ng bahay.

"Mag ingat ka din Mace. Uuwi din iyon si tita" ang sabi niya bago uamndar ang kotse niya papalayo.

Nang hindi ko na matanaw ang kotse niya au pumasok na ako sa loob. Madilim na din kasi. Baka may mangyari pang masama sa akin dito.

mga natirang sandwich habang hinihintay ko si Mama. Baka umuwi na siya ngayon. Sana umuwi na siya ngayon. Miss na miss ko na siya. I want to hug her right now. Nang matapos na ako sa mga sandwich ay inayos ko na ito. Nagligpit na ako sa kusina at naglinis ng kaunti. Wala pa din si mama.

Umakyat na ako sa taas upang magpahinga na sana ngunit naagaw ng pansin ko ang kwarto ni mama. May parang bumagsak doon at nabasag. May tunog na nabasag ang kung ano mang bagay. Dahan dahan akong naglakad papasok sa kwarto ni Mama. Baka nandito na siya dahil may tunog ng nabasag. Baka siya lang iyon. Kaya dali dali kong pinihit ang doorknob at ang bumungad sa akin ay ang picture namin ni Mama noong grumaduate ako ng Highschool. Wala pa din siya. Basag ang picture frame neto. Mahangin pala sa loob ng kwarto ni Mama. Inilibot ko pa ang paningin ko sa loob ng Kwarto niya ngunit wala talaga siya. Kahit anino man lang o bakas na umuwi siya.

Umalis na ako sa kwarto ni mama dahil dinalaw na ako ng antok. Buti pa ang antok dinadalaw ako, si Travis kaya? Biro lang. Ginawa ko na ang dapat kong gawin, nagsipilyo naligot at iba pa. Matapos kong patuyuin anh buhok ko ay humiga na ako sa kama. Bago ko ipikit ang mata ko ay pinatay ko muna ang ilaw.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Mace, gising. "

A/N: tagal bago na ud no? Wala e, busy e.

LAHAT PO NG CHAPTERS SA KWENTONG ITO AY UNEDITED. IBIG SABIHIN AY MAY MGA TYPO.PAG PASENSYAHAN NIYO NALANG PO AKO HEHE.

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED♥

I'm Inlove With My BrotherWhere stories live. Discover now