Chapter 10

838 30 0
                                    

Mace's PoV

Hindi ko namalayan ang oras. At ngayon at uwian na. Nagsisilabasan na ang mga kaklase ko. Ako naman ay abala sa pag aayos ng gamit ko. Habang si heaven ay hinihintay nalang akong matapos. Hindi parin mawala sa isip ko si Travis. Hindi ko alam pero parang nanlumo ako sa desisyon ko.

"Oy teh? Anong petsa na? Magbabagong taon na teh! Hindi ka pa din tapos? Nako naman"sigaw sakin ni heaven na nasa labas na pala. Lumilipad ang utak ko, hindi ko namamalayan ang oras.

Hindi ito pupwedeng magtagal. Kailangan kong mag fucos sa pag aaral ko. Wala din namang silbi kung lalayuan ko si Travis kung hindi din ako mag aaral ng mabuti. Kailangan ko na talaga siyang layuan.

"Matatapos na ako. Sandali lang hehehe" napapahiyang sagot ko. Tsk Mag sho-shopping na naman siguro ito.

"Aba eh dapat lang! Nako! Ang tagal tagal mo doon" reklamo na naman niya pagka labas ko.

Saan na naman kaya punta neto't grabe kung mag madali. Halos takbuhin niya na ang corridor sa sobrang bilis ng hakbang niya.

"Teka,bakit kaba nagmamadali?may lakad kaba?Saan?"sunod-sunod ang naging tanong ko.

"H-huh? A-h e wala hahaha. Gusto ko lang umuwi agad. Oo tama! Gusto kong umuwi agad hehehe." Ani heaven. Hindi kapani-paniwala. Pero dahil kaibigan kos iya paniniwalaan ko na lang.

Hmm. Oo nga pala yung mga tingin niya kay lexus kanina! Hahahahaha kaya siguro nagmamadali ito. Siguro gusto niyang makita si Lexus bago umuwi hmm.

"Talaga ba? Gusto mo nga bang umuwi o may gusto kang makita bago umuwi" nanununksong tanong ko sa kaniya. Huli ka! Hahahaha sunod-sunod ang paglunok niya. Hmm alam ko na ito. Agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin. Nagpapahalata.

"H-huh? S-sino namang aantayin ko? Gusto ko lang talagang umuwi ng maaga ngayon. Heheheh kaya tara na. U-Umuwi Na tayo." Aniya niya. Hmm akala niya siguro hindi ko nahahalata. Tinignan ko muna siya mula ulo hanggang paa bago tuluyang Lumabas ng school. Kamalas-malasan nga naman, nakita ko si Travis, Blue, Lexus Sa harap ng gate. Animo'y may hinihintay. Nako naman, kung kailan buo na ang desisyon ko.

Agad lumapit sa akin si Travis, napaka tamis ng kaniyang ngiti. Nako po. Ano ng gagawin ko? Paano na yung desisyon ko? Hindi! Kailangan ko na siyang layuan! Oo tama kailangan ko na siyang layuan.

"Hey Mace, Uuwi ka na ba? Hatid na kita sa inyo kung okay lang sayo? " hindi pa din nawawala ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. Inaakit ako ng mga labi niya.

"Ahm H-hindi na. M-may gagawin pa kami ni Heaven na project. Sa kanila namin gagawin yon. Pasensya na." Animo'y nanlumo siya sa sinabi ko. Anobaaa! Wag kang ganyan.

"Ganon ba? Sige. Ako nalang maghahatid sainyo ni heaven sa bahay nila." nabubuhayan niyang tugon. Hindi pwede. Dapat makaisip ako ng paraan para Hindi niya kami maihatid. Para maiwasan ko na siya. Pero diba dapat Hindi ko na siya kinakausap ngayon? Pero. Aish bahala na! Ang importante ngayon ay hindi niya kami maihatid.

"Nako, hindi na. May sundo din naman si Heaven. Paparating na din yon. Tsaka nakaka-abala na kami sayo." Sana ay umuwi na siya.

"S-sige. Ingat kayo sa pag-uwi. Mauna na ako." nanlumo na naman siya. Huhuhu tama ba itong nararamdaman ko? Bakit pati ako nanlumo din? Bakit parang nasasaktan ako? Bakit gusto kong bawiin yung mga sinabi ko? Siguro ay mabuti na din iyon. Baka sakaling layuan niya na din ako.

Nakaaalis na silang tatlo. Naiwan kami ni heaven dito sa harap. Hindi totoong may Project kami. Oo nagsinungaling ako. Dumaan ang ilang minuto at dumating din ang sundo niya. Gaya ng sabi ko hindi totoong may project kami kaya hindi ako sasama sa bahay nila. Pag alis niya ay umalis na din ako.

Hindi ko namalayang nakauwi na pala ako. Nandito na ako sa harap ng bahay namin. Lutang na naman ang isip ko. Pumasok na ako at nagpahing ang kaunti bago ginawa lahat ng assignments ko. Pagkatapos ko doon ay bumaba na ako para mag hapunan. Natapos din naman agad ako. Pag akyat ko ay dumeretso na ako sa banyo at naligo. Pakiramdam ko ay wala akong ganang gumalaw. Parang namimiss ko yung ngiti at boses niya. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Travis's PoV

Hindi ko alam kung ako lang ba talaga o talagang iniiwasan niya ako. Hindi ako umuwi sa bahay. Bumalik ako sa harap ng school para masiguro kong naka alis na sila doon. Ngunit pagbalik ko ay nakarating palang ng sundo ni heaven, ipinagtataka ko kung bakit hindi siya sumakay dito. Pag ka alis ng sundo ni heaven ay tsaka palang siya umalis doon. Sinundan ko siya para malaman kung saan siya pupunta. Huminto siya sa isang subdivision, hindi kalakihan ang mga bahay dito. Sakto lang para sa mga pamilyang may kaya. Tiyak kong hindi taga dito si heaven base sa sumondo sa kanya kanina. Natitiyak kong mayaman si heaven. Pumasok na siya sa subdivision na iyon. Sinubukan ko din pumasok pero hindi ko na siya makita pa. Umuwi nalang ako pagkatapos. So talagang iniiwasan niya ako. Baka tungkol ito doon sa pinya kanina. Siguro naisip niyang baka maulit pa iyon kaya iniiwasan niya nalang ako. Sapat na nga bang dahilan iyon? Nasasaktan akong isipin na iniiwasan niya ako ng dahil sa bagay na hindi ko naman sinasadyang gawin. Sana ay hindi siya ganon bukas. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa labis ng pag iisip.

A/N: tamad ho ako. Asahan niyo na ang maikling updates. Masipag padim kahit walang readers.

I'm Inlove With My BrotherWhere stories live. Discover now