Chapter 19

536 19 2
                                    

Heaven's PoV

"Doc, is she okay now? How is she? " I asked the doctor. He's the doctor who checked Mace's health.

"To be honest with you Miss. I am not allowed to tell you everything about the Patient's health. "The doctor said while removing his mask. He's damn gorgeous.

"B-but why? I am her best friend. I have to know what I can do para Hindi na maulit Ito. " I said. Kailangan kong malaman para may magawa ako. Baka makatulong ako once na malaman ko kung anong sakit ang meron siya.

"Okay.iwasan niya ang maging malungkot. Nakaka epekto iyon sa sakit niya. " iyon lang ang sasabihin niya?

"Why? Ano ba ang sakit niya?!" hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Nasigawan ko na ang gwapong doctor na ito.

"Malalaman mo rin soon. Hindi ko talaga pwedeng sabihin sayo Miss. Kakausapin ko ang Pamilya ng bestfriend mo. " he said.

He left me here, nagpunta na siya sa kung saan kwarto. At wala akong pake doon! Wala akong pake sa kaniya.

Bago pa ako manigas sa kinatatayuan ko ay humakbang na ako patungo sa kwarto kung nasaan siya-------Si mace. Hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Ang sabi naman ng docto---gwapong doctor na iyon na magigising si Mace after ilang minutes. Alangan namang iwan ko to ditong ganito kaya Hihintayin ko nalang siyang magising. Mag e-excuse nalang ako sa school dahil hindi kami makaka attend ng morning classes.

Tinitigan ko ang kaniyang mukha. Napaka ganda, napaka amo ng kaniyang mukha. Napaka simple, kahit college na siya ay hindi siya nag memake-up ng makapal. Simple lang, makinis, matangkad, sexy kahit hindi siya kaputian. Hindi mo aakalain na mahirap lang ang bestfriend kong ito. Mapang-asar siya, pero kahit ganoon alam kong mahal niya ako. Hindi na ako magtataka kung bakit siya nagustuhan ni Travis. Mace is perfect, Ideal girl siya ng marami.

May nanligaw na sa kaniya before, isa iyon sa mga ideal guy ng mga babae sa campus. But Mace doesn't like him. Hindi niya ito sinagot. Binasted niya si Austeen, simula noong araw na iyon ay hindi na ulit nakita sa campus si Austeen. Ang sabi sabi ay nagpunta ito sa ibang bansa upang doon na mag aral. Labis ang galit ng mga Fan ni Austeen kay Mace. They bullied her, course her.

And nang dahil doon ay nakilala ko siya, wala siyang friends dati. Hindi kasi siya dito nag aral and worst sa Public pa siya grumaduate kaya lalo siyang nabully. Sa kabila noon ay nag aral pa rin si Mace ng mabuti. Days passed naging mag bestfriend kami after how many days Nalaman kong Hindi pala totoo sa akin ang mag bestfriend ko, na hindi pala sila tunay. Si mace ang karamay ko back then. She didn't laugh everytime na iiyak ako. Nandoon siya noong mga panahong kailangan ko ng kaibigan, karamay. She was there. And now na siya naman ang may kailangan sa akin ay hindi ako aalis sa tabi niya. Pangako Mace. I'll take care of you, always.

I'll promise na hindi ko hahayaang makaramdam ka ng lungkot.

I'll do everything to make you laugh everytime.

I'll do everything to make you happy all the time.

I promise, I am always here for you.

My tears fell down from my Left eye.

Pinunasan ko ito agad ng makita kong gumalaw ang kamay niya. Ayaw kong makita niya akong malungkot. Ayaw kong magtaka siya kung bakit ako umiiyak.

I'm Inlove With My BrotherWhere stories live. Discover now