Chapter 17

556 23 0
                                    

Mace's PoV

Nakatitig lang ako sa paper bag na binigay sa akin ni Travis kanina. Hindi ko pa din ito nabubuksan kahit nakauwi na ako galing sa school. Hinihintay ko din kasi si mama, gabi na ngunit wala pa rin siya. Nag aalala na ako, maaga naman siyang umuuwi nitong mga nakaraang linggo. Binuksan ko na nag paper bag dahil nagugutom na ako.

Sandwich pala ito. MARAMING SANDWICH. 50 sila lahat. Ang dami naman? Paano ko ito uubusin? Itatago ko nalang iyong iba para kay mama. Kumuha ako ng isa, tinignan ko muna kung anong spread ang meron. Ham, bacon, and cheese. Ang paborito ko! Nginuya ko na ito, uhmmm napakasarap talaga!

Hindi ko namalayang naka sampu na pala ako sa sandwich. Busog na busog na ako pero gusto ko pa. Kukuha pa sana ako ng mahagip ng mata ko ang aking relo. 10:00 Pm na?! Hindi ko namalayan iyong oras. Ngunit wala pa rin si mama, inaantok na ako. Hihintayin ko siyang dumating bago ako matulog. Inilagay ko muna sa ref lahat ng natirang sandwich. Hindi naman siguro ito masisira, noh? Okay lang naman sigurong ilagay sa ref.

Wala pa rin siya. 12:00 Am na wala pa rin. Nasaan na kaya siya? Wala naman sigurong nangyare sa kaniya. Nag aalala na ako. Umaga na wala pa siya. May pasok pa ako bukas ng maaga. Kailangan ko ng matulog kaso paano naman si mama? Matutulog nalang ako sa sala, doon nalang ako sa sofa. Para kapag dumating si mama ay magigising ako.

K I N A B  U K A S A N

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Umaga na ngunit wala pa rin si mama. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Kailangan kong pumasok dahil may quiz kami ngayon. Baka nag OT lang si mama, kaya hindi siya naka uwi.

Matapos kong mag ayos ay pumunta na ako sa kusina upang kumain. Ito ulit ang kakainin ko ham-cheese-bacon iyong binigay sa akin ni Travis. Hindi naman siya nasira kaya pwede pa. Isa pa, napakarami pang natira. Lima lang kaya kong kainin kaya ibinalik ko ang mga natira sa refrigerator. Bago ako umalis ay ini-lock ko muna ang bahay.

Napatigil ako sa paglalakad ng bigla na namang sumakit ang dibdib ko. Ngayon nalang ulit siya bumalik, mas lalong sumasakit. Habang tumatagal palala ng palala. Sigurado akong hindi lang ito simpleng pag kirot. Alam kong may sakit ako, pero hindi ko alam kung anong pangalan. Biglang nanlabo ang paningin ko. Naramdaman ko nalang napa-upo na pala ako sa kalsada.

Heaven's PoV

Tulala lang ako habang nasa biyahe papuntang school. Hindi mawala sa isip ko ang nakita at nalaman ko kahapon. Kailan pa nagsimula iyon? Alam ba ito ni  Mace? Bakit kailangan umabot sa ganon?

Flashback•

Pauwi na ako ngayon galing school. Nasa loob ako ng kotse na sundo ko, nakatingin lang ako sa labas. By the way, nandito na kami sa village kung saan ako nakatira. Yes, sa village ako nakatira. Kung nagtataka kayo kung bakit kaibigan ko si mace ay ganito iyon. Hindi siya plastic! When I was In highschool I have Two bestfriends I thought they were my true bestfriends but I was wrong. Ayaw ko ng pag usapan pa iyon. Naalala ko lang kung anong ginawa nila sa akin. Tsk. Tumingin nalang ulit ako sa labas. Kung kanina ay puro malalaking bahay lang ang nakikita ko ngayon hindi na. May nakita akong babae. And she's so familiar.

"Kuya, stop the car. Now. " kailangan kong masiguro kung tama ba ang nakita ko. At kung siya ba talaga iyon.

Agad nang inihinto ng Driver ang kotse. Bumaba agad ako bago makapasok sa loob ng bahay ang taong nakita ko. Isang dipa nalang ang layo namin sa isa't isa and now I am so sure na tama ang nakita ko. Na hindi ako nagkakamali. Inaayos niya sa pagkakalagay ang basura na naka plastic.

"T-tita? A-ano pong g-ginagawa niyo dito? " nagsalita na ako bago siya matapos sa ginagawa niya.

"Anak ka ng butiking mataba!". Napahawak pa siya sa dibdib niya. "Heaven, a-anong ginagawa mo dito? Pasensya kana, ginulat mo kasi ako" tinititigan niya lang ako. Ganon din ako sa kaniya.

Nagtatanong ako tapos sasagutin din niya ng tanong? Aba matinde!

"Dito po ako nakatira. How about you po? What are you doin' here po? " I asked again.

"D-dito ka nakatira? Sa bahay na ito? Hala sige aba pumasok kana. Halika pasok!" she said. Natataranta na din siya. Maybe because nalaman niyang dito ako nakatira. Dito sa village na ito, hindi sa mismong bahay!

"Ah tita, hindi ho diyan. Dun pa po sa bandang dulo" tinuro ko naman ang daan papunta sa amin. 

"Ah ganon ba? Nawalan kase ako ng trabaho, wala na akong mahanaobna iba kung hindi ito. Kaya kinuha ko na para may pang gastos kami ni mace sa pang araw araw. " ang sabi niya pa.

"Alam ho ba ito ni mace? Pumayag ho siya? "Alam ko kasing mahal na mahal ni mace ang Mommy niya.

"Ayun nga iha. Hindi niya alam. Wag mo muna sanang sabihin sa kanya. Ako nalang ang magsasabe". Said Tita.

Nakakalungkot isipin na gano'n na pala ang buhay nila. Naawa ako kay tita kasi siya lang ang bumubuhay kay Mace.

"S-sige po". Iyon lang at tumalikod na ako papunta sa kotse. Hindi na ako lumingon pa.

End of Flashback •

Nasabi din pala sa akin ni tita na mag isa lang si Mace sa bahay nila kasi stay-in ang trabaho ni Tita. Isa siyang Maid na nagtatrabaho sa isang bahay sa village na tinitirhan  namin. Nag aalala ako kay mace dahil baka kung anong mangyari sa kaniya sa mga gabing wala siyang kasama. Tulad nga ng sabi ko, alam kong may nararamdaman siyang kakaiba.

Malapit na kami sa school kung saan ako nag aaral ng may makita akong grupo ng estudyante malapit sa gate ng school. What are they doing there? What happened there? Nang huminto ang kotse ko ay agad na akong bumaba upang puntahan ko ang grupo ng estudyante. And I was so shocked when I saw Mace lying on the floor. Wala siyang malay!  Agad ko siyang nilapitan at niyugyug trying to wake her up. But it didn't work.

"What happened?! "I asked. The group of student look at me.

"We dont know. Nakita nalang namin siyang nakahiga diyan. " The girl with  a eyeglasses answer.

Oh god. Whats happening to you Mace? God please be good to her. Siya nalang ang bestfriend ko. Please god, I am begging.

Votes ang comments are highly Appreciated.

I'm Inlove With My BrotherWhere stories live. Discover now