[Chapter:14] (Weapon Room)

693 21 6
                                    

Snow's Pov

Kadiliman. Yan ngayon ang bumabalot sa kwartong pinasukan ko. Nilapitan ko ang pader na kanina pinasukan ko.

"Prof. Vince!," sigaw ko pero umeecho lang ito sa buong silid.

Napahinga ako ng malalim ng may marinig na naman na boses. Pero iba ito hindi katulad sa panaginip ko.

"Snow," rinig kong sambit nito. Alam kong lalaki siya, base sa boses niya.

Napapikit ako ng ulitin niya yun. Pinag-liyab ko ang aking katawan. Nag mulat ako pero hindi nag liliwanag ang kwarto kahit na nag liliyab ang katawan ko.

"Snow," sambit nito ulit. Di ko na natiis at sumagot nako.

"Sino kaba?! Anong kailangan ninyo sa'kin?!," inis na sigaw ko.

"Wag ka magalit, nandito lamang ako para tulungan ka," sambit nito.

"Tulungan? Para saan?," mahinahong tanong ko. Kung meron pang tao dito iisiping baliw ako dahil nakikipag usap ako sa kadiliman.

"Para makuha mo ang sandata na nakalaan sayo," sagot nito.

"Wala naman silang sinabi na pag subok pa pala bago maka kuha ng sandata," inis na sambit ko.

"Anong kailangan ko gawin?," tanong ko.

"Kailangan mo lang matiis ang pag subok at pag natapos nayun ay hanapin mo ako," sambit niya.

"Paano ko naman malalaman kung ikaw nayun?," tanong ko at nag simulang mag lakad lakad.

"Katulad lang ako ng link ninyo ng mythical guardians mo," sambit niya.

Habang nag lalakad ay naka ramdam ako ng panganib sa paligid. Pag lingon ko sa likudan ko ay may palasong muntikan na akong tamaan.

"Mag-iingat ka! Nasa parte kana ng pag susulit," babala niya.

"Hindi nga halata," sarkastiko kong sambit at gumawa ng bolang apoy sa palad.

Binato ko ito sa dereksyon kung saan nang galing ang palaso.

Nakarinig naman ako ng pag daing doon. Inihanda ko ang sarili ko at dahan dahan lumapit doon.

Ilang saglit lang ay naka kita ako ng apoy. Sinundan ko ito at naka kita ng taong naka bulagta, naka cloak itong itim.

Lumuhod ako gamit ang isang binti at hinawakan ang hood ng cloak. Pagtanggal ko dito ay siya namang pag liyab ng katawan nito.

Napaatras ako sa gulat. Ang apoy na sumu-sunog sa katawan ng lalaki ay purong pula. Lumutang ito at biglang nag karoon ng kulay asul. Humiwalay ang asul sa pula at lumutang mag isa sa ere. Wala na ang katawan ng lalaki ang natira na lamang ang apoy na sumunog dito.

Bigla naman may lumitaw na kulay ginto na apoy. Pinag gitnaan nito ang pulang apoy at asul na apoy. Nag labas naman ng kulay berde at kulay puting apoy ang ginto na apoy na nasa gitna. Lumutang ang berdeng apoy sa tabi ng kulay pulang apoy at ang puti naman ay lumutang sa tabi ng asul na apoy.

Umikot ang mga ito at nasa gitna ang kulay ginto. Nagulat na lang ako ng bigla itong lumiwanag ng sobra. Napatakip naman ako ng mata gamit ang isang braso ko.

Ilang saglit lang ay humupa na ito. Pagtingin ko sa harapan ay may limang lalaki ang nakatingin sa akin. Ang mga kulay ng suot nila ay base sa mga elemento.

Xavier Academy || School Of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon