[Chapter:10] (Leveling Combat Training)

940 25 1
                                    

Snow's Pov

Naalimpungatan ako dahil sa pag galawa ng aking kama, pagtingin ko sa kanan ko ay si Cross lang pala iyon. Hanggang ngayon hindi parin ako maka paniwalang may alaga na akong dalawang legendary mythical creature.

Napatingin ako sa orasan na nasa pader sa taas ng pinto at four am na pala. Dahan dahan akong bumangon para hindi magising ang dalawa.

Ginawa ko muna ang mga ritwal ko bago pumasok sa banyo at maligo. Pag labas ko ay doon ko lang naisip na wala akong magagamit na damit pang training.

Dahil pag pinag liyab ko ang aking buong katawan o di kaya'y kamay lang ay nasusunog ang mga damit kong suot at naiiwan akong hubo. Hindi ko nga lang malaman kung bakit di nasunog noo'n ang damit ko ng mag liyab ang buong katawan ko dahil kay Xenon.

Habang nag iisip ay naka rinig ako ng pagkatok. Naka tapis lamang ako ng buksan ko ang pinto.

Bumungad naman si Flame na may dala dalang damit. Crimson red color ang pang itaas na may cross sign na hanggang likod kulay itim naman ito at naka tatak ang badge ng academy sa kaliwang dibdib. Ang pants naman ay kulay itim na may maraming bulsa sa tantya ko ay kaysa sa mga bulsang iyon ang mga katulad ng dagger, hunters knife at iba pa, halata sa tela ng damit na ito na matibay ito.

Pagtingin ko kay Flame ay ngayon ko lang napansin na na estatwa na naman siya sa kina tatayuan, dahil masyado akong nag pokus sa damit na dala niya.

Tumikhim naman ako para makuha ang atensyon niya, nag taas siya ng tingin at hinarap ang titig ko, medyo matangkad kasi ako sa kanya, kaya't kailangan niya pang tingalain ako.

Hindi katulad kagahapon na nag iwas siya ng tingin ay ngayon pinatili niya ang titigan namin. Inabot niya naman ang damit na dala sa akin na kinuha ko naman.

"That's the training clothes of this academy, actually that's a training clothes for us supreme circle, but it's not that a big deal," sambit niya, tumango naman ako.

Nag iwas na siya ng tingin at nag simulang mag lakad, pabalik sa dereksyon ng mga kwarto nilang babae, pansin ko ang pag pula ng kanyang tenga di kalayuan.

Napailing nalang ako at sinara na ang pinto.

"That girl is pretty," biglang sambit ng kung sino sa isip ko. Pagtingin ko sa kama ay nakita kong gising na silang dalawa at nakatitig sa akin.

"I will not deny it," sambit ko sa kanila gamit ang isip, mahirap na at baka marinig nila ako at masabihang baliw.

"Art thou like her?," biglang tanong ni Midnight na ikana ubo ko.

"No," mariing sagot ko, narinig ko na naman ang mga mahihina nilang halinghing.

"Thou art obvious," sambit ni Cross. Matalim naman na tinignan ko sila.

I'm not guilty, masyado lang talaga nila pinupush at naiirita nako sa kanila. Kahit na mythical creature sila ay walang paalinlangan susunugin ko sila sa kakulitan nila.

"Shut up," malamig na sambit ko.

I heard them shriek lowly. As if they heard something scary and search around the room. They turned their heads to me.

"Thou did hear that?," asked Midnight. I look at them with my bored look.

"He's the one said it, Midnight," Cross said with shock.

"Thou art scary when you art like that," sambit Midnight at nangilabot, napailing nalang ako sa kakulitan nila at nag simulang mag bihis.

Nang maayos ko na ang sarili ay lumabas na ako at dala ko ang katana ko na nasa likod ko lamang. Napagtanto ko na pwedeng lalagyan ng anong manipis na spada ang likurang bahagi ng damit na ito, kaya't doon ko nilagay ang katana ko.

Xavier Academy || School Of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon