[Chapter:16] (Mission)

823 23 1
                                    

Snow's Pov

Nang matapos kaming mga commons sa duel ay nag kayayaan sila Jack na pumunta ng dorm.

Hindi naman ako umangal dahil napagod din ako kanina sa duel ko. Hindi namin kasama sila Flame ng kami ay mag punta ng dorm.

Pagpasok palang namin sa dorm nag si takbuhan na sila papa-akyat para makapag pahinga. Naiwan naman ako dun nasa mag kabilang gilid sila Cross at Nighmare.

"You should go rest too, Snow," sambit ni Zyrell sa aking isip.

Napatingin naman ako sa object form niya na isang gold chain bracelet.

Pumunta muna ako ng kusina at kumuha ng maiinom. Nang maginhawahan na ako ay pumanik narin ako sa taas para mag pahinga.

Dahil narin sa pagod kaya't di na kami nakabalik muli. Ang naabutan lang namin ay laban ni Flame at Ray, hindi ko ipagkakaila magaling talaga si Flame at Ray lalo na sa pag gamit ng kanilang mahica. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa kanilang mga mukha habang nag lalaban. Nakaka-panibagong makitang ganun si Ray.

Natapos ang laban nila na si Flame ang nanalo. Pantay lang ang laban pero dahil magaling si Flame at bihisa na sa pag gamit ng kanyang mahica ay natalo niya si Ray.

Umangat ang level ni Flame to 60 to 65 na ngayon. Aangat lamang ang level mo pag ikaw ang nanalo sa mga duel. Pag di ka naman nanalo ay mag sta-stay ang level mo sa last level mo last leveling.

Umakyat kami sa veranda kung saan naka-pwesto ang mga taga supreme circle. Pinayagan naman kami ng propessor na nandoon. Dahil parte na naman din kami ng supreme circle.

Pag akyat namin ay gulat pa silang napatingin sa aming lahat. Pero ilang saglit lang ay binati na nila kami lalo na ako. Tinanong nila ako kung bakit daw ganun ang itsura namin ni Prof. Vince ng pumasok. Sinaway naman sila ni Rhea na paupuin muna kami, marami kasing bakante dito sa taas.

"Ano na Snow? Bakit nga ba?," tanong ni Rhea ng maka-upo ako.

Nasa gitna nila akong lahat, napahinga na lamang ako ng malalim at humalikipkip sa aking inuupuan habang nakatingin sa katapatan naming veranda. Naramdaman naman ni tanda ang titig ko, kaya't napatingin siya sa akin, tinaasan niya ako ng kilay at nginisian ako. Alam ko naman siya ang may pakana nun. Napailing nalang ako at binaling ang tingin sa katabi ko, pumwesto naman sila sa likudang mga upuan para marinig nila ang sasabihin ko.

"You guys don't have to know," sambit ko, narinig ko naman ang reklamo nila. Tumingin na lamang ulit ako sa unahan kung saan nag sasalita na ang principal.

Binati niya ang lahat ng nanalo katulad ni tanda at sa mga natalo naman ay sinabihang pag butihin pa ang pag-eensayo.

Nang matapos ay pinaalis na nila kami. Tumayo na kaming lahat at nag rereklamo parin sila, napailing nalang ako at di sila pinansin. Naramdaman ko namang may nakatitig sa akin pagtingin ko sa likudan ko ay nakita ko si Flame na nakatitig sa akin habang naka kunot ang noo.

Di ko na lamang siya pinansin at nag dere-deretso. Nang maka pasok kami sa dorm ay agad kaming dalawa pumunta sa kusina para mag luto. Walang kibuan kaming nag luto nang matapos ay tinawag ko sila Jack para ihain na ang mga plato.

Di nag tagal ay kuma-kain na kami ng dinner. Gabi na din kasi ng matapos ang lahat ng duel. Habang kuma-kain ay nag aasaran sila Jhing at Jack. Naki asar naman ang kambal at si Matt, tinulungan naman ni Rain at Abby si Jhing. Pinag babatukan nila ang apat naki sama narin si Rhea dahil naiirita na siya sa apat.

Bukod tanging kaming tatlo lang ang kumakain ng tahimik. Pag tapos namin kumain ay nag presinta na ang apat na sila na ang mag huhugas ng hugasin. Di naman kami umangal at hinayaan sila. May masira man sila patay sila samin ni Flame.

Xavier Academy || School Of MagicsWhere stories live. Discover now