[Chapter:2] (Cafeteria)

2.2K 55 2
                                    

Snow's Pov

Natapos ang boring na subject na history ng biglang mag bell, history is the last subject this morning, lunch break na.

"Ok, class, study your notes at home, alright?," sambit ni Prof. Brian.

"Yes, sir," sambit naming lahat.

"Okay, you may take your lunch," nakangiting sambit ni Prof. Brian at lumabas na ng room namin.

Tumayo nako at hinanap ng mata ko yung babae kanina, nalaman ko na mag kaklase kami, dahil siya pala yung bagong transferee. Kaya pala basta basta nalang itong sumangayon sa aming karera kanina.

Nang makita ko na siya ay agad akong lumapit dito, katabi niya ang babaeng laging ka sagutan ni Jack, maingay din ito at palakaibigan. Nagulat naman ang mga nasa linya nila ng lumapit ako, di ko na lamang sila pinansin at dumaretso sa pwesto ni Rain.

"Rain," tawag ko rito ng maka lapit, nag uusap silang dalawa ni Jhing habang inaayos ang gamit nila.

"Oh, Snow," gulat na sambit ni Jhing, blankong tinignan ko lang siya at tinignan ulit si Rain na naka tayo na. Mag ka harap na kami ngayon.

"It's lunch time," paalala ko, inirapan niya naman ako at tinignan si Jhing na gulat parin sa nasasaksihan.

"Jhing, ok lang ba kung isama natin tong si Mr. Feeling close?," tanong ni Rain kay Jhing. Taka naman tinignan siya ni Jhing dahil sa wirdo nitong tawag sa akin, pero kalaunan ay tumango.

"Oo naman! Ang tagal ko na kaya gusto maka sabay yan si Snow, teka bakit Mr. Feeling close ang tawag mo sa kanya? " takang tanong ni Jhing.

"Di naman siya nag papakilala, kala mo ang tagal na naming magkakilala kung makapagsalita." kibit balikat na sabi nito.

"Let's go, my friends are waiting," singit ko sa usapan nila baka mamaya kung saan pa ito mapunta. Tumango naman ang dalawa at sinundan ako palabas ng room, nakita naman namin silang tatlo na iniintay ak.

"Huy! Snow, bakit ka nawala kanina?," tanong ni Jack, tinuro ko naman ang dalawang tao na nasa likudan ko.

"Oh? Close na kayo agad?," tanong ni Matt na nakita sila Rain pagkasilip.

"I just met her earlier, we had a race and I won," paliwanag ko.

"Ano? Nag karera kayo?," pag uulit ni Jhing.

"Yes, unfortunately, I lost." walang pakialam na ani Rain. Napailing nalang ako at nauna nang mag lakad.

"Hoy! Snow Edward Collins! Mang hintay ka! Baka lamunin ako ng Jhing nato! Bakit nga ba kasabay natin ang babaeng to?!" rinig kong sigaw ni Jack at doon nag simula na naman ang bangayan nilang dalawa ni Jhing.

Naka-sabay naman silang lahat sa akin at hanggang sa pagpasok namin sa loob ng cafeteria ay nag babangayan parin yung dalawa. Nang di nako makatiis dahil ang sakit na ng tenga ko dahil sa sigawan nilang dalawa ay hinarap ko ito at sinigawan.

"Shut the hell up!" sigaw ko sa dalawang natigilan. Natahimik naman ang buong cafeteria dahil sa sigaw ko.

"Tch." singhal ko at dumaretso sa linya. Nahawi naman ang mahabang linya sa dalawa at pinadaan kami. Ibang klase talaga ang takot ng mga ito sa akin, ganoon bako nakakatakot at ganito ang trato nila sa'kin? Napahinga na lamang ako ng malalim at nag simula na mag lakad sa nahawing linya.

"A-anong o-order m-mo, h-hijo?" tanong ng tindera. Mukhang bago ito dahil ngayon ko lamang nakita ang mukha nito.

"Don't stuttered. I don't like it." Napa lunok naman ito at alinganing tumango.

Xavier Academy || School Of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon