chapter24-

479 33 0
                                    

chapter24

AFTER TWO MONTHS...

Hindi na ko ang dating Nick na Nerd. Ako na ngayon yung hinahangaan at tinitilian. Wala nang nanlalait sakin, wala nang mga bully . 

Para silang bula na bigla na lang naglaho. 

Marami na talagang nagbago sakin. Hindi lang yung itsura ko, pati rin yung pakikitungo ko sa tao. Hindi nako mahina. Natuto na kong ipaglaban yung sarili ko. 

Dumami yung kaibigan ko, may totoo at may Fake din. Si Allen Kurt, yung NOTORIOUS BULLY? Ngayon!? Kaibigan ko na. Wala na daw syang gusto kay Cathrine. Ipinaubaya nya daw 'to sa pinsan nya, si Joshua.

Feeling Close din sya nung malaman nya na halos lahat ng kaibigan nya ay kaibigan ko na din. Marunong naman ako mag forgive. Alam kong tao lang din sila  ,nagkakamali.

Natuto na din akong  gumimik. 

Dumalo sa mga party. 

Marunong na rin akong uminom ng mga Heavy drinks na dati, Ni isang baso lang ay ayaw kong tikman. Siguro, dahil na rin 'to sa pagsama ko sa mga kaibigan ko na walang ginawa kundi mag Party at i-enjoy ang buhay High school at pagiging isang Teens.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako pinapansin ni Julie, pati ni Nicole. Si Cath naman, bantay sarado ng Boyfriend. Si Andrex, one month na ang nakalipas nung bumalik sya sa Tokyo. 

Mukha naman OK na sila sa kani -kanilang buhay kaya wala nakong balak na guluhin pa sila. 

Ako?! Hehe. Wala nang kwenta. 

Napapabayaan ko na yung pag aaral ko dahil sa madalas kong Gimmick. Madalas kasi akong puyat kayat hindi na ko pumapasok o kaya naman minsan, late na kong pumapasok. 

Hindi ko na rin tinatawagan sila Mom and Dad. Sa tingin ko kasi, wala ding mangyayari. Lagi na lang silang Busy.  

Habang kumakain ako ng breakfast...

Napansin ko yung isang Calling Card sa table ko. Bigla kong naalala yung girl na nagbalik ng wallet ko.

Hmp. Kesha yun name nya. 

Nag try akong tawagan sya.. pero hindi naman sumasagot. Tinapon ko na lang yung card sa basurahan . Nagbihis na ko ng Uniform ko,kailangan ko pang pumasok. 

Kahit papano, na mimiss ko ding maging isang estudyante.

Gusto kong ayusin pa yung mga mali ko. Alam kong hindi pa 'to yung huli. 

@ St.Roch- 

From Nerd to HeartthrobWhere stories live. Discover now