chapter11-

566 43 0
                                    

chapterELEVEN

Nick's POV

Nasa harapan ako ngayon ng Principals office. Iniisip ko na kaagad yung magiging reaksyon ng principal namin. 

Nung huling kita ko, mala Dragon yung mukha nya, hmp. 

Baka ngayon?! Mala GODZILLA na sya! 

Ahh! Patay ako nyan! Magkakarecord na ko sa office at isa pang inaalala ko, malaki yung epekto nito sa pagiging valedictorian ko! Tss. 

Kainis! Pero nangyari na ang nangyari kaya dapat harapin ko ' to!

Papasok na sana ko ng dumating si Nicole. 

" Nick! ako na!  Aaminin ko sa kanila ako talaga ang may kasalanan, " 

" pero Nicole, ako na! Tatanggapin ko kung ano man ang punishment! " 

" Hindi Nick! Ako lang ang aamin! " 

" wag na! Ako na! " 

" Teka?! Anong nangyayari?! " sabi ni Mrs. Principal na bigla na lang lumabas from Office.

" Eh maam , ano po eh, ako po yung may kasalanan  sa Fake Emergency,  ma'am sorry po! " sabi ni Nicole na paawa pa yung mukha.

" Huh?! what?! " Nagulat si Ma'am.

" ma'am! Ako po talaga! Ako yung nakapindot ma'am nung bell, wala po syang kasalanan dito. " sabi ko. 

Parehas naguluhan samin si Ma'am,  kaya... 

" Both of you! Go to my office now ! Tatawagan ko ang parents nyo !  Right now!" ..

Ahhh! Patay! 

patay si Nicole sa parents nya! eh sakin, walang kakausapin.

Nasa abroad nga 

Sila diba ?! xD Hehe, Ligtas!?:') . 

Natapos ang usapan namin.  At ang napagdesisyonan ni ma'am parehas kami ni Nicole na suspended in ONE MONTH?!! 

" eh ma'am, pano yun?! Yung mga lessons, quizzes and etc. ?!" 

" maghome study kayo! At hindi lang yon! Kailangan nyong magpasa ng mga na lessons nyo for one month.  Get it?!" 

" ahhh! Ma'am! Wag naman po yun! Sakin?! Ok lang po, eh kay Nick, running for valedictorian sya kaya magiging mahirap para sa kanya yun!  " 

" Ms. Siera, kailangan nyo parehas matuto sa maling nagawa niyo. Magiging mahirap nga ' to, at siguro naman kakayanin nyo' to, hindi naman ito masyadong makakaapekto sa grades nyo. " sabi ng principal namin na ikinagaan papano ng loob ko.

Pagkalabas ko ng office, kinausap ako ni Nicole. 

" ahm. Nick, sorry ah. Wag kang mag alala, wala naman daw masyadong epekto sa pag aaral natin kaya ok lang yan! " 

" hmp. siguro nga. Sige! Alis nako" paalam ko sa kanya.

Biglang nawalan ako ng gana. Isang buwan akong suspended . Pero siguro ok na rin yun, makakapagpahinga ako mula sa mga bully.  

Habang papalabas nako ng gate, nakita ko si Cath. Kasama na naman nya yung lalaking kasama nya rin kanina. Napatigil ako at napatigil din sya. 

" Cath, hindi mo kailangang gawin 'to, " sabay hawak ko sa kamay nya.

" Nick, ayaw kitang mapahamak at masaktan. Sana maintindihan mo ko. Bye Nick!" Hinigpitan ko yung hawak ko sa kanya.

" Cath, naintindihan naman kita. Pero mahal mo ba ko? " direcho kong tanong.

Nung sabihin ko yung mga tanong na yun. Hindi ako naging mahina. Pero nagaalala ako sa magiging sagot nya. Oo! Narinig ko na ang sagot nya pero gusto kong makasigurado, baka mahal nya rin ako?!.

" Nick, im so sorry. Hindi kita gustong saktan. Naging mabait kang kaibigan sakin. At sa totoo lang, hindi kita gusto Nick.Sorry. "

" Baka dala lang yan ng pangba-block mail ni allen, Cath? Sabihin mo ulet Cath na hindi mo ko mahal. Please..." 

" Hindi kita mahal.  Hindi kita gusto. sorry. " sabi ni Cath sabay hawak sa kamay nung guy na kasama nya at bigla silang umalis. 

Ako, 

nagpatuloy sa paglalakad ... tuliro . Wala sa sarili  . Hindi ko alam kung san ako dadalhin ng mga paa ko. 

Nakita ko si Julie at bigla nya kong nilapitan. 

" Nick! Nakita ko yung nangyari. Sobrang sakit nga siguro yun. Alam kong mahirap tanggapin na hindi ka mahal ng taong mahal mo pero its a matter of choice kung patuloy mong iindahin yung sakit O gagawa ka ng paraan para makalimutan sya .Pero sa ngayon, alam kong sobrang sakit pa nyan. Tandaan mo, nandito ako!  Kaibigan mo. Pwede mo kong gawing sandalan kapag malungkot ka. " advice ni Julie. 

"  Hahhaha! " 

" oh, bakit ka tumatawa?! " 

nagtatakang tanong nya.

" hehe. Andrama mo kasi! Tama nga si Andrex na madrama ka! Haha! "

" hay naku! Ah teka, may surprise ako!!" 

" Ano?  Baka kung anong surprise na naman yan ah!?" 

" ahm.Ito, trophy mo. Champion ka sa Singing contest!! Congrats Nick!!" Sabi ni Julie sabay yakap sakin. 

" wow naman! Di ko akalain ah. Hayyyss.." wala pa rin akong gana. Masakit pa din.

"bakit ka malungkot?! Hindi bagay sayo! Nagmumukha ka talagang Nerd! " kahit ano namang mood,  nerd pa din ako.

" ah. Nanalo nga ko sa contest, hindi naman ako nag CHAMPION  sa taong mahal ko." Sabi ko sabay batok sakin ni Julie.  

" sino sa'ting madrama ha!? Haha! " sabi nya sabay hila sakin. 

" san moko dadalhin?! " 

" grabe ka naman! Maka react ka parang kung anong gagawin ko sayo ah! "

" San ba?! " 

"Sa Videoke, ikanta mo lang yan! " 

" huh?! Sige, no choice din naman ako" .  

-- 

From Nerd to HeartthrobWhere stories live. Discover now