chapter13-

519 40 1
                                    

chapter13-

Three days na ang nakakalipas simula nung magsimula yung suspension. 

Lagi kong kasama si Nicole sa pagho-home study.  

Sa tingin ko naman, nagkakagaanan na kami ng loob. Madalas nga lang na magulo yung bahay ko dahil sa kakulitan nya. Para syang Bata! Pero naintindihan ko naman sya  , paraan nya siguro 'to para maka-MOVE ON

Hmmp. Nakakamiss din pumasok. at tsaka last year ko na nga lang 'to sa St.Roch tapos nabawasan pa ng ONE MONTH! .

Kamusta na kaya si Cath?! 

Ano kaya ginagawa nya ngayon?! . Hayyst! 

Nakita ko si Julie.  

Parang may pupuntahan Ata?

" Uy Julie! Musta school?! " 

" ah ganon pa rin! Nandun pa rin yung mga bully!! Mga babaeng sagad sa kaartehan!! At isa pa  , may naghahanap pala sayo, si Cath. " Miss nya na kaya ako?  Haha! ASA! 

" ah bakit daw?! " 

" Gusto ka nyang kausapin, pwede daw ba?! " 

" Oo naman. "

" ah sige, sabihin ko na lang sa kanya. Btw, may kasama ka palang nagho-home study dito?! si Nicole ba yun? Ok lang ba kayo?! " 

" Oo naman! Kahit madalas nung guluhin yung bahay ko? Oks lang naman. " 

" Ahh. Nick! Ito pala yung mga notes natin! Pag aralan mo na lang. Sige! Alis na ko! May lakad pa ko! Bye!" 

" oh sige! Salamat! Enjoy sa date ah ! Hehe. " 

" Anong date?! " 

" Eh diba sabi mo kagabi na may lalaking nagyaya sayo ng date?! Ayieee.. " 

" Ewan ko sayo! Alis nako! Ayt. Yung notes ko, kunin ko yan mamayang gabi ah! " sabi ni Julie na halatang hirap na hirap maglakad!

Haha! :D

Pano ba naman,  

nagheels eh hindi naman sanay! haha! Mga babae nga naman talaga! :> 

Hmp. Saturday naman, nagpunta ako sa mall, kailangan ko din kasing bumili ng damit , puro luma na kasi. 

Pagkapunta ko sa mall, 

hindi ko sinasadyang makita si Cath. 

Ako? 

Paakyat ng elevator,  

sya naman, pababa. 

Nang mag lapit yung kinatatayuan namin. Nagkatinginan kami. EYE TO EYE.Nakita ko sa mga mata niya yung lungkot kaya lumihis ako ng tingin. Hindi ko kasi kayang makita sya na ganon. 

Nagmadali akong lumakad hanggang sa may nakabangga na ko.Nagsorry ako tapos nagpatuloy sa paglalakad. 

From Nerd to HeartthrobWhere stories live. Discover now