Chapter01-

1.7K 77 11
                                    

Chapter || ONE

First day pa lang ng school, challenge na agad sakin. Pagpasok ko pa lang ay nakaabang na yung mga bully ng St.Roch Academy, mga notorious bully para sakin.

Habang naglalakad ako papasok dala dala ang napakakapal na ENCYCLOPEDIA at suot suot ang napaka-laki kong EYEGLASS, hinarang na agad ako ng mga bully. Bigla na lang akong napabuntong hininga.

Ang notorious leader nila? Naku, si Allen Kurt, anak ng may ari ng school na' to. Ansaklap di ba?!

"Hey Mr.Nerdyboy, akin na baon mo! Bilis!! "sabi nung Allen.

Hmp, bkit kaya yan lagi ang punchline ng mga bully?Eh itong si allen, mayaman naman! Hayy.. mga wala talagang magawa, gagawin nila ang lahat may mapagtripan lang.

Nanginginig na yung tuhod at kamay ko sa kaba at takot dahil kapag hindi ko binigay yun baon ko? Naku, bubugbugin at papahirapan lang nila ako tulad ng ginagawa nila sa mga na-bubully nila.

Kinuha ni allen yung libro ko tapos isa nyang kasama, agad na kinuha yung eyeglass ko.
"Tss.Wala akong makita,Kainis!"bulong ko sa sarili ko.
Tapos maya maya,naramdaman kong may sumuntok sa tyan ko. Shet. Anong tingin nyo sa tiyan ko? PUNCHING BAG? 
"Tama na!Please." Yan lang yun nasabi ko habang binubugbog nila ko.

Nang manghina nako, dinala nila ako sa lumang room sa St.Roch.  Nung oras na yun, lalo akong kinabahan, haunted kasi yung old room at usap usapan, may pinatay daw dito. Creepy~

Pagdating namin dun,  pinagpatuloy nila yung pambubugbog nila sakin hanggang sa mawalan nako ng lakas.

Oh di ba?! Napaka notorious talaga ng mga bully na yun. Halos patayin na nila ako sa ginawa nila pero sanay na ko. Duwag at mahina kasi ako.Hindi ko sila nilalabanan, alam ko kasing wala akong laban sa kanila at for sure, kapag lumaban ako? Mas malala pa yung aabutin ko sa kanila. Hindi na bago sakin ang ganitong sitwasyon. Simula't noon pa,nararanasan kona ito. Ang duwag at ang tanga kong hindi ako nagsusumbong at nanatiling tahimik kabila ng pambubully na. Yeah, how nice. Pagkatapos nila kong bugbugin,iniwan na lang nila ko ditong magisa.

Hays. Ansaklap talaga ng buhay ko. Yung nangyari ngayong First Day of school? Simula pa lang ng mga challenges ko . Simula pa lang ng mga problema ko ngayong senior na ko.

Maya maya, naramdaman kong bumukas yun pinto ng room. Madilim at wala talaga kong maaninag. Isa pa tong mata ko, halos ginawa ko nang breakfast,lunch,dinner at midnight snack yung kalabasang binili ko pero hindi umeffective. Siguro,nasa lahi na talaga namin.

Naninigas nako dito.Oo,literal na hindi na ko makagalaw dahil sa takot.Naalala ko tuloy bigla si VALAK, yung multo sa conjuring 2.
"Ugh.Erase! Erase"

Shet.Natatakot na talaga ko at lalo akong nanghina.
Hayst. Bakit kasi dito pa nila ko dinala?

"Sinong nandito?!" tanong nung narinig kong boses.

Hay sa wakas! May tutulong na rin sakin. Alam kong yung boses na yun.Sya yung guard ng school namin.Agad niya kong tinulungang bumangon, tapos tinanong nya kung anong mga nangyari.

Habang naglalakad kami papuntang clinic, nakasalubong namin si Ms.Values.

"Mr.Sylvester! Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Ms.Values na talagang concern.Kaya sya yung pinaka favorite kung teacher. Napaka bait kasi niya at talaga namang bagay sya sa subject major nya~VALUES.

Pumunta na kami agad ng clinic at ginamot ako.

Hmp. Sigurado, kapag ako nagsumbong kay mrs.principal? Hindi niya ko kakampihan o di nya ko paniniwalaan .Tita kasi sya ni allen, at sigurado akong NO COMMENT lng sya sa mga kalokohan ng pamangkin nya. Hayst! Isang masaklap na katotohanan.

From Nerd to HeartthrobWhere stories live. Discover now