chapter03-

946 58 6
                                    


Chapter || THREE

"Nick! Ok kana ba?" Nag-aalalang tanong ni Julie pagkagising ko.

"Ok na ako! Bigla lang kasi akong nahilo. Sandali,  nakita mo ba yung babaeng naghatid sakin dito?Kilala mo ba sya?"

"Sinong babae?"

"Yung tumulong sakin?"

"Hindi eh,naabutan na lang kita dito na walang malay. Uy Nick! Nag text si mama, emergency eh kaya mauna na ako ah!OK lang ba?"

"ah Oo! Ok lang! Salamat pala sa pagpunta ah!"

"Sige, ingat ka ha!" paalam ni julie tapos nagmadali nang umalis. Nang ma-feel ko na medyo ok na ko, umalis nako sa Clinic. Hindi na ko nakapagpaalam dahil busy sila.

Ako, dahil sa maaga pa, pumunta muna ako sa isang bookstore.

Pagpunta ko? Grabe!

Dagsa yung mga estudyante dito!

Kalalabas lang kasi nung bagong series nung librong adik na adik sila.

Pero pumunta ako dito para bumili ng mga school supplies para sa project ko. At syempre, hindi ko makakalimutan yung book na matagal ko nang inaabangan,  yung "TIPS ON HOW TO BE A CAMPUS HEARTHROB?"

Hehe, baka sakali lang!

Wala namang mawawala kung susubukan .

Pumunta muna ko sa isang park then binasa yung libro. Hmm! Interesting na introduction pa lang.

Habang nagbabasa ako, napansin kong puro LOVER's Yung nandito sa park, 

Ito yung mga CONVO nila,

<First Couple on my right side>

"My Loves ko, unan ka ba?"Tanong nung boy.
" bakit?"
"Cause youre the one na gusto kong kayakap kapag matutulog na ko.Ikaw kasi yung magpapahimbing ng tulog ko!" sabi nung boy then hinag yung girl.

BOOM! mga pick up Lines nga naman talaga oh,  kahit corny effective pa rin.

Ito naman yung isa ko pang narinig, mukhang mag bre-break na 'to!

<on my Left side>

"Hon! Flowers and chocolate for you!First anniversary natin ngayon! "Nakangiting bungad nung guy.

"Ahm.Hon, maghiwalay na tayo.May iba na kong mahal . " straight to the point ah. SAKIT NUN.

"Pero hon mag iisang taon na tayo!Ano bang nagawa ko?May kulang ba sakin? Ano? Tell me! Alam mong mahal na mahal kita!"

"Ayoko na, hindi na kita mahal kaya tapusin na naten 'to! Bye!" sabi nung girl.

Grabe.Ansaklap nun! Kung ako yan! 
Pababayaan ko na lang yung girl,deserve kong maging masaya. Hindi nga lang sa kanya. 

--

Then pinagpatuloy ko yung pagbabasa ko. 

At sa hindi inaasahan, may pumukaw agad sa mga mata ko.

Yung girl na nakita ko sa corridor?!

Oo! Sya yung babaeng tumulong sakin at yung babaeng na Love at first sight ata ako? Ewan.Diko alam.

Tss.Kahiya naman,  sa harapan nya pa ko nahimatay. Hinawi ko yung buhok kong gulong gulo at inayos ko yung polo kong hindi ko ata naplantsa.

Napansin ko yung dala niyang aso, hmmm...

"Bulldog?!"

Kumawala sa pagkakatali yung bulldog at biglang tumakbo, at sa tingin ko ay papunta sya sakin.

From Nerd to HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon