Reality 9

64 5 0
                                    

The next shoot was scheduled next  week so I don't have to go to RGC everyday. But in just a week, a lot of things happened. Nagkita na uli kami ni lolo. Inaraw araw ako ng pangungulit ni Caleb. At higit sa lahat, may progress na ang relationship namin ni Russel. Akalain mong may kabaitan din palang tinatago ang isang yon.

"Hi Em, ok ka lang?" takang tanong ko sa sekretarya ni Russel na tila aligaga. Para kasi itong lutang which is unusual. She's a type of person na very confined and easy going.

"I'm fine Miss Cee-Cee," she's trying to smile but it turned to be a crooked smile. Now, what's wrong with her?

"Ow... kay. Where's your boss?" Di ko na lamang sya kinulit.

"Nasa opisina nya, mainit ang ulo." She frowned. Now I know.

Kaya naman pala. "Pwede pumasok?" After the gate crashing incident, which was to embarassing, never na ako nag-attempt pumasok sa opisina nito ng walang pasabi.

Tumango lang ito. Halatang tensed at di mapakali sa kinauupuan. It's the first time I saw Em this uneasy. I wonder, is he really that scary when he's mad?

Napailing ako. "Relax, ako nang bahala sa boss mong daig pang nag-memenopause." Biro ko dito just to calm her nerves.

Bahagya itong natawa. "Buti na lang talaga andyan ka Miss Cee-Cee. May cooler si sir." Ganting biro nito.

"Cooler talaga? Sige na, pupuntahan ko na sya. And stop calling me Miss Cee-Cee, okay? Cee-Cee will do." I winked at her. But to be honest, I felt a sudden pang of nervousness. What kind of a monster I am about to face?

Nagthumbs up ito.

Naglakad na ako patungo sa opisina ni Russel. "Morning," masiglang bati ko dito. "Busy?"

"Yeah." Maikling tugon niya.

"Lunch na, wala ka pa bang balak kumain?" Pangungulit ko pa rin sa kanya.

"Mamaya na lang." Nakayuko pa rin ito at abalang abala sa pag-aaral ng dokumento sa harap nya.

Anak ng... So ano ako dito, hangin? Inilayo ko sa kanya ang binabasa nya. "So wala talagang pansinan?"

"Cee-Cee not now okay," bahagya akong napaatras. He raised his voice on me. "I'm sorry," he said when he realized what he did.

"Ewan ko sayo." Padabog akong tumayo. "Bahala kang magutom." Linayasan ko na sya. Nakakainis. Ako na ngang concern, ako pang nasigawan.

"Cee." I heard him shout.

I know he tried to follow me pero mabilis akong nakasakay sa elevator.

Nasa ground floor na ako when I realized that I left my camera in his office. "Argh... I am so stupid." Nakakainis. Sayang ang pagwo-walk out ko.

I had no choice but to go back. Malapit na ako sa opisina nito ng bumangga sa akin ang umiiyak na bata.

Yumukod ako. "Hey little girl, why are you crying?" Pinunasan ko ang luha nito.

"Daddy's mad at me," humihikbing sabi nito.

"I'm sure he's not. How could he be mad at a cute little girl like you?" Pinisil ko ang pisngi nito. "You want ice cream? I'll treat you."

Biglang nagliwanag ang mukha nito. "Really?"

"Of course. I'll just get my camera." Ginulo ko ang buhok nito. "By the way, I'm Cee-Cee and you are?"

"Casey?" Lumabas si Russel at lumapit samin.

Kumunot ang noo ko. Casey?  Biglang nagtago sa likod ko ang bata. "You're scarying her."

Subject: LOVE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon