Reality 27

13 1 0
                                    

Reality 27

Isang buwan na ang nakalipas mula nang tumakas ako pero pakiramdam ko ay kahapon lang yon nangyari. I haven't contacted anyone since then at wala din ako ni isang balita tungkol sa kanila. Alam kong nag-aalala na sila sakin but I still need some time to think.

"Manananghalian na hija." Tawag sa akin ni yaya Sonia na nagpagising sa lumilipad kong utak.

Nang umalis ako, Yaya Sonia took me in. Dito ako namalagi sa probinsya kung saan ako pinanganak. "Susunod na po ako."

Kompleto na ang mga apo ni yaya nang dumulog ako sa hapag kainan.

"Hi, ate." Si Anne ang panganay na apo nito at graduating na ito sa college.

"Hi Anne, di ko napansing dumating ka kagabi. Sem break nyo na ba?"

"Opo. Oo nga pala ate, may sayawan mamaya sa karatig barangay. Pinapatanong ni kuya Jayson kung pwede ka daw bang pumunta?" Si Jayson ay anak ng Mayor ng Buenavista na simula ata nang dumating ako ay nagpapalipad-hangin na and it's annoying the hell out of me. Kung tutuosin ay gwapo naman ito, mabait, matalino at may sinabi din sa buhay so to sum it all, there's nothing wrong with him. Nagkataon lang talaga na hindi sya intresado dito.

"Naku ate Anne, di yan sasama si ate Ceecee. Di hamak namang mas gwapo yung boyfriend ni ate sa Maynila." Sabat ni Abby.

"At pano mo nalamang may boyfriend na ang ate Ceecee mo?" Untag ni yaya sa isa nya pang apo.

"May nakita po kasi akong picture ng lalaki sa camera nya." Nahihiyang yumuko ito dahil nahuling pinakialaman ang gamit ko. "Sorry po." Hinging paumanhin nito.

Marahan kong tinapik ang balikat nito. "It's okay."

"So boyfriend nyo nga sya?" Pangungulit pa rin ng mga ito.

"No." He's my fiance, I wanted to add. And he's the reason why I ran away.

"Sayang naman, bagay pa naman kayo." Abby said dreamily.

"Patingin ng picture." Excited na sabi ni Anne at nangunyapit sa akin.

I can't help but laugh with the two. Naalala ko sa kanila ang bestfriends ko.

"Tigilan nyo na ang ate nyo at magsikain na kayo." Saway ni yaya sa mga apo nito.

"Okay, pero mamaya titingnan ko ha?" Di pa rin sumusukong turan ni Anne.

Tumango na lang ako dahil alam kong di rin naman titigil ang mga ito hanggang sa pumayag ako.

And as expected, sabay pa nila akong hinila papunta sa kwarto matapos kaming kumain. Imbis na ilabas ang camera ay kinuha ko na lang ang picture ni Russel na nakalagay sa wallet ko. "Here." I handed them the picture and they both squealed."

"OMG ate. Ang gwapo!" Kinikilig pang sabi ni Anne habang nakikipag-agawan kay Abby sa litrato.

"His name is Russel."

"Pa'no kayo nagkakilala?" Nakatutok ang mga mata nila sa akin at naghihintay na magkwento ako.

I smiled when I remembered how I met him. Nagsimula na rin akong magkwento and as I go on, I can't help but cry. Oh god, I miss him a lot.

"Kung mahal nyo po sya, bat kayo umalis?" Seryosong tanong ni Abby.

"Cause love is scary. And I know he's still mad at me so why would he want to marry me?" Pinunas ko ang luha ko. She's still young so I don't expect her to understand.

Natigilan ako nang may maulinigan akong kakaibang tunog. Magkakasabay kaming sumilip sa bintana at natanaw namin ang kakalapag lang na chopper. My brows arched in confusion.

Subject: LOVE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon