chapter 20: Her Dark Reminiscence

9.2K 228 26
                                    



Chapter 20

HER DARK REMINISCENCE



"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday... Happy birthday... Happy birthday to you..."

"Happy fifth birthday, Temple."

"Come on, make a wish."

"I wish Tiarah stay with me every day. I wish na hindi na niya ako iwan ulit. I wish na maging buo ang family natin kagaya ng mga classmates ko."

Hearing the song and the conversation, I opened my eyes. Dilim ang sumalubong sa aking paningin nang imulat ko ang aking mga mata. I had to blink several times to clear my vision.

Where was I?

I decided to take a walk kahit hindi ko alam kung pasaan ang direksyong tinatahak ko. Tila ako nakakulong sa isang silid at may tubig sa nilalakaran ko. Narinig ko ang tunog na nililikha ng bawat paghakbang. Nagbigay iyon ng hindi kaaya-ayang pakiramdam sa akin.

Sa patuloy na paghakbang ay nakakita ako ng liwanag, maliit na liwanag. Wala akong ideya kung saan nagmula pero. Nagdesisyon na lang akong sundan 'yon. Baka sakaling makalabas ako sa madilim na lugar na ito.

Ilang saglit pa ang lumipas at nagkahugis ang liwanag. Nagmumula iyon sa ilaw sa loob ng isang kuwartong pamilyar sa akin. I was expecting to see a birthday party after hearing that song, but it didn't happen. Sa isang iglap, natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa loob ng kuwartong pamilyar sa akin.

Silid ko ito noong bata pa ako. Hindi ako maaaring magkamali. Oo nga at palipat-lipat kami ng bahay noon, pero naaalala ko pa rin ang kuwartong ito.

"Stop it, Sahara!"

Lumipad ang tingin ko sa labas ng pinto nang marinig ko ang malakas na boses na iyon. Nakaramdam ako ng pagtataka at nadagdagan pa nang may isang batang babaeng lumagos sa katawan ko at tumakbo palabas ng kuwarto.

Teka... kilala ko ang batang iyon.

Kunot-noo ko siyang sinundan sa labas. Huminto siya sa tapat ng isa pang kuwarto sa loob ng bahay. Nakatalikod siya, pero kilala ko siya. Kilalang-kilala. Sinubukan ko siyang hawakan nang makalapit ako, pero kagaya kanina ay naglagos lang ang kamay ko sa katawan niya.

"You stop, Tiarah! This time, listen to me!"

Napalingon ako sa nakasaradong pinto. Tinig nina Sahara at Tiarah ang narinig ko. Nag-aaway sila at pinapakinggan ko—ako at ang batang ako. Oo, tama. Ang batang ito na nasa harapan ko na hindi ko mahawakan ay walang iba kung hindi ako noong limang taong gulang pa lamang ako.

Panaginip ba ito? Halusinasyon? Bakit nakikita ko ang nakaraan?

"Hindi ka ba naaawa kay Temple?"

"I don't have a choice; we have no choice at all. Kailangan natin itong gawin to protect her."

"To protect her? Alam mong ikaw ang higit na makagagawa ng bagay na 'yan. Paano kung—"

"Makinig ka! Ito na lang ang paraan na maaari kong gawin. Pagkatapos nito, pangako, sisiguruhin kong magkakaroon na nang maayos na buhay si Temple."

"I do understand, but—"

"Don't worry about me. I'll be fine at babalik ako nang ligtas."

Tahimik ko lamang na pinakinggan ang pag-uusap nina Sahara at Tiarah. Alam ko ang eksenang ito, hindi ko nakakalimutan. Ito ang panahon na unti-unti nang namulat ang musmos kong kaisipan sa wirdong buhay na mayroon kami. Dito na rin ako nagsimulang manood ng mga bayolenteng palabas sa tv. Ewan ko ba, pero noong panahon na 'yon ay bigla akong natuwa kapag nakakakita ako ng mga nasasaktan o nabubugbog. Dito na rin ako nagsimulang mahilig sa Muay Thai. Malaking mga pagbabago na humubog sa mura kong isip.

Si Sahara ang lagi kong kasama noon at nagsilbing aking ina simula pa lang nang magkaisip ako. Siya ang gumabay sa akin, samantalang si Tiarah na siya kong tunay na ina ay bihira ko lamang makita. Kung umuwi man siya, malamig ang pakikitungo niya sa akin at nagmamadali laging umalis. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko tinatawag na mommy o mama si Tiarah at tita o auntie si Sahara. Lumaki ako na ang nasa isipa'y kapatid ko lang silang dalawa. Hindi rin nila ipinaliwanag sa akin kung bakit ganoon ang aming buhay.

Palipat-lipat kami ng tinitirhang bahay noon pa man. Nakalakihan ko na ang ganoong buhay. Sa hindi ko malamang dahilan, palagi na lang kaming umaalis at umuupa ng panibagong bahay. Isang buwan o dalawang buwan, aalis na ulit. Palipat-lipat din ako ng school na naging dahilan kaya mas pinili kong maging mailap at huwag makipagkaibigan.

Maraming hindi maniniwala kung sasabihin kong marami rin naman akong naging kaibigan noong bata pa ako, pero dahil sa wirdo naming buhay, mas pinili kong ilayo ang sarili ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Sa edad kong ito naramdaman na minsan, mas mabuti pa ang walang kaibigan. Wala akong masasaktan at hindi rin ako masasaktan. Dito ako nagsimulang bumuo ng pader sa paligid ko. Pader na hindi kayang pasukin ng iba. Pader na hindi ko hinahayaang wasakin ng kahit sino.

Isang bangungot ang nakaraan ko. Wala akong naging normal na buhay na kagaya ng ibang batang nasa edad ko. Isang bagay na hindi kayang intindihin ng mga tao sa paligid ko. Para sa kanila, isa lang akong nakakairitang nilalang na dapat mawala sa mundo.

Gangster High 1 (The Art of Game) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon